Hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinag-uusapan ng mga netizens ang mainit na isyu tungkol sa pelikulang adaptasyon ng kilalang Wattpad novel na I Love You Since 1892. Isa sa mga pinakamainit na tinatalakay ng mga tagahanga ay kung sino nga ba talaga ang nararapat na gumanap bilang pangunahing babae sa pelikula.
Hindi pa man opisyal na ipinalalabas ang pelikula, lumilikha na ito ng kontrobersya sa social media, partikular na sa desisyong piliin si Heaven Peralejo bilang female lead, kapalit ng matagal nang inaasahan ng fans na si Janella Salvador. Si Janella kasi ang unang ginamit na mukha sa orihinal na libro, at marami sa mga mambabasa ang nag-assume na siya na rin ang gaganap sa film version. Para sa kanila, hindi lamang ito simpleng casting choice—ito ay isyu ng respeto sa mga loyal readers ng kwento.
Ayon sa isang netizen na tila matagal nang tagasubaybay ng nobela, “Mas may lalim sa pag-arte si Janella, mas bagay talaga siya sa role. Hindi ko makita si Heaven na kayang i-deliver ang ganung klaseng emosyon.”
Samantala, may isa pang nagkomento na tila nadismaya sa paraan ng pagmamarket ng libro noon: “Ginamit nila ang mukha ni Janella para ibenta ang libro, pero sa pelikula, iba pala ang gaganap. Hindi fair. Parang niloko nila ‘yung readers.”
Gayunpaman, hindi rin nagpapahuli ang mga tagahanga ni Heaven Peralejo. Para sa kanila, may sapat na husay si Heaven para bigyang-buhay ang iconic na karakter mula sa Wattpad. Iginiit pa ng ilan na dapat bigyan ng pagkakataon si Heaven na patunayan ang kanyang kakayahan, at huwag agad husgahan base sa expectations ng iba.
Hindi rin naiwasan ng ilang fans ni Heaven na banggitin ang mga personal na isyu na kinakaharap umano ni Janella Salvador. May ilan pa nga na naglabas ng kontrobersyal na opinyon hinggil sa diumano'y relasyon ni Janella sa kapwa artista na si Klea Pineda, at ang umano’y mga paglabas nito sa gabi.
"Siguro napansin nila , di magandang ehemplo sa mga kababaihan si Janella," ani ng isang supporter ni Heaven.
Isa pang komento ang nagsabing, "Magaling si Janella umakting kaya lang nasira image niya dahil sa kanyang paglasing...pumatol sa tomboy tombuyan na yan na malaki pa dd kaysa ky Janella."
Sa kabila ng mga argumento sa magkabilang panig, malinaw na parehong may taglay na husay sa pag-arte ang dalawang aktres. Ngunit sa isang industriya na maraming salik ang kailangang isaalang-alang—mula sa popularity, acting skills, fanbase, hanggang sa public image—hindi talaga maiiwasang magkaroon ng pagtatalo kapag may di-inaasahang casting decisions.
Para sa mga tagasubaybay ng I Love You Since 1892, ang tunay na sagot ay malalaman lamang kapag ipinalabas na ang pelikula. Doon na lamang malalaman kung epektibo ba ang naging desisyon ng mga producer sa pagbibigay ng lead role kay Heaven, o kung may valid nga ang punto ng mga fans ni Janella.
Sa ngayon, patuloy pa ring lumalawak ang diskusyon sa social media—at tila hindi pa ito matatapos sa lalong madaling panahon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!