Dina Bonnevie, May Mensahe Sa Mga Nepo Babies Na Nagpakasasa Sa Perang Nakaw

Huwebes, Oktubre 9, 2025

/ by Lovely


 Hindi napigilan ng beteranang aktres na si Dina Bonnevie ang kanyang emosyon matapos mapanood ang isang video na kumakalat sa social media, kung saan makikitang naglalakad sa gitna ng putik at baha ang ilang kababayan natin sa probinsya. Ayon kay Bonnevie, labis siyang naapektuhan sa kalagayan ng mga ito.


“Talagang napaiyak ako. Iniisip ko kung paano na lang kung magkasakit sila,” ani ng aktres. “Hindi ko masikmura na may mga taong ganitong naghihirap, habang may iba naman na nakikinabang sa kaban ng bayan.”


Sa isang bukas na panayam, tinalakay rin ni Dina ang isyu ng tinatawag na "nepo babies"—mga anak ng mayayamang personalidad, partikular na mula sa hanay ng mga politiko at negosyante, na umano’y hindi pinaghirapan ang kanilang tinatamasang kasikatan o karangyaan.


“Alam mo kung bakit pinapanood ang mga nepo babies, at ’yung mga pini-flex kung ano ang meron sila? That’s just a sign of covetousness. You want to covet what is not yours. Which is a sin. Thou shall not covet thy neighbor’s goods!” paliwanag ni Dina.


Hindi rin napigilan ng aktres na maging prangka, sabay tawa nang sabihin niyang may mga nepo baby na kahit ilang beses pa raw magparetoke ay hindi pa rin gumaganda.


“Diyos ko, minsan nga lumalabas ang katarayan ko. Parang sa loob-loob ko, ‘Diyos ko makapag-flex ang nepo baby na ito, maganda ka ba? Hahahahaha! Eh kahit retokehin ka ng limang beses, hindi ka pa rin maganda, eh! Parang my God, sino ba ang doktor mo? Magpa-doktor ka muna bago ka mag-flex!’” biro niya, sabay tawanan.


Bagama’t aminado siyang ang kanyang mga anak na sina Danica Sotto at Oyo Sotto, mula sa dating relasyon kay Vic Sotto, ay maaari ring maituring na nepo babies, nilinaw ni Dina na dapat may kasamang responsibilidad ang ganitong label.


“Di ba, ang sarap din naman na kung meron kang ipagmamayabang ay dahil galing sa hirap. Pero ang point ko lang naman, if all the young people would focus on, number one, their studies; number two, good moral values,” dagdag niya.


Sa parehong panayam, naghayag din ng pagkabahala si Dina sa mga ipinapakita ng ilang kabataang influencers sa social media. Mula sa halos hubad na posts, hanggang sa mga videos na puno ng kabastusan, ramdam niya ang pagbabagong nagaganap sa moralidad ng lipunan.


“Manood ka, ano ba ang mga pini-flex nila diyan? Naghahalikan! Sumasayaw na kita ang kuyukot ng puwet. And people follow this, mga Instagram na halos nakalabas na ang buong boobs. Ano ba ’yan? Bakit gusto mo ’yan? Doon mo makikita na iba na ang values ng tao!”sabi pa niya.


Para kay Dina, nararapat lamang na gamitin ng mga kabataang may impluwensya ang kanilang boses at social media platforms upang magbahagi ng positibong mensahe at magbigay-inspirasyon sa iba.


"Gamitin mo to give back! Kumbaga, parang Miss Universe, na you use your crown to promote charity, to promote good things. Sana ganun lahat ng attitude ng mga nepo babies, na parang mga beauty queen attitude na I’m here to spread love, to do good things!” pagtatapos niya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo