Chie Felomino Isiniwalat Ang Ginawa Ni 'Sofia' Para Siraan Siya Sa Mga Socia Media Platforms

Lunes, Oktubre 20, 2025

/ by Lovely


 Nagbigay ng matapang na pahayag ang Kapamilya actress at model na si Chie Filomeno matapos niyang ibunyag na may isang indibidwal umanong gumagawa ng paraan upang siraan siya sa social media. Ayon sa aktres, isang taong may alyas o pangalan na "Sofia" ang sinasabing nasa likod ng umano’y smear campaign laban sa kanya.


Sa kanyang Instagram story noong Sabado, Oktubre 18, ipinakita ni Chie ang isang screenshot ng mensahe mula sa isang influencer. Ayon sa naturang mensahe, may mga nilalapitan umano si Sofia na mga content creator at influencer upang magpakalat ng negatibong opinyon at atake sa imahe ni Chie online.


Sa kanyang caption, emosyonal na inilahad ni Chie ang kanyang saloobin:


"Truly heartbreaking, I know she's evil, but didn't expect her to go this low. I am not surprised anymore tho. But I hope and pray that the things you are doing to me now, your daughter will never experience.”


Sinundan pa ito ng isa pang mensahe na mas personal at puno ng damdamin:


“I really wish she does not feel this kind of pain. Because I will never do something like this, I do not want my future child to be treated the you treat people. I was gonna let karma do its job—nope I am your karma.”


Sa hiwalay na IG story, muling naglabas si Chie ng screenshot ng isang Viber message mula sa isang account na may larawan ni aktres Sofia Andres, na nagdulot ng espekulasyon kung ito nga ba ang tinutukoy niya sa mga pahayag.


Sa naturang mensahe, sinabi ni Chie:


“Some dummy account and 'verified' account are so specific now with their comments. Very 'observing' not so demure lol. Sasabihin mo pa, na-hack ka? Girl, nag-send si influence ng GCash sa ‘yo. Sa ‘yong sa ‘yo ang number.”


Ayon pa sa kanya, hindi raw basta-basta ang mga alegasyon niya at may sapat siyang batayan para paniwalaan na may masamang intensyon laban sa kanya.


Ang rebelasyon ni Chie ay sumabay sa paalala ni Sofia Andres sa kanyang sariling Instagram account, kung saan sinabi nito na na-hack umano ang kanyang TikTok at iba pang social media accounts. Nagbabala siya sa kanyang followers na mag-ingat, dahil maaaring ginagamit ang kanyang mga account para sa mga aktibidad na hindi niya kontrolado.


“My TikTok has been hacked and also using my other accounts. Be careful.”


Dahil dito, lalong uminit ang usapin online. Habang may ilan na dumipensa kay Sofia at sinabing maaaring totoo ang pagha-hack, marami ring naniniwala kay Chie dahil sa dami ng "resibo" o ebidensya niyang ipinakita.


Sa kabila ng lahat, nananatiling tahimik si Sofia sa mga alegasyon ni Chie—walang direktang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa kampo niya. Samantala, patuloy namang pinupuri ng maraming netizens si Chie sa kanyang tapang at pagiging vocal sa mga ganitong isyu.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo