Usap-usapan ngayon online ang dating aktres na si Rica Peralejo matapos siyang umani ng intriga mula sa mga netizens — partikular na ang mga Marites — na nagpapalaganap ng tsismis na diumano’y may pagka-inggit at hinanakit siya laban sa kilalang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista.
Ang kontrobersiya ay nagsimula mula sa isang social media post na ibinahagi ni Rica sa kaniyang followers. Sa naturang post, hayagang binanggit ni Rica ang pangalan ni Heart, na ginamit niya bilang halimbawa sa kanyang punto ukol sa mga hindi nakikitang aspeto ng kagandahan at karangyaan sa social media.
Ayon kay Rica, maraming humahanga sa physical na anyo at lifestyle ni Heart Evangelista, ngunit hindi raw ito basta-basta nakakamit ng kahit sino dahil may mga “invisible factors” na hindi naipapakita sa publiko. Aniya sa kaniyang post:
“Para maging Heart E levels ang ganda natin is not only to Aivee ha. It is also those little unseen things. Yung hindi sya napupuyat kakaalaga ng anak, hindi sya nagluluto, di naghuhugas ng pinggan, hindi sya nagbubuhat ng mga bagahe, hindi natutulog sa substandard materials or places."
Dagdag pa niya:
“In short: HINDI SYA NAHIHIRAPAN like most of us. This is not a critique of Heart or celebs kasi work nila yan, na maging maganda. Pero dapat ilugar natin sa realidad natin so we don’t suffer from false comparisons.”
Ang layunin ng kanyang mensahe ay tila paalala sa publiko na huwag agad-agad ikumpara ang sarili sa mga kilalang personalidad, lalo na’t iba ang kanilang lifestyle at resources. Ngunit sa kabila ng malinaw na intensyon ni Rica, maraming netizen ang hindi natuwa at binigyang-kahulugan ito bilang isang patama kay Heart.
May ilan sa mga netizen ang nagsabing tila may "pagka-inggit" si Rica sa lifestyle ni Heart. May mga nag-akusa rin na tila bitter umano si Rica dahil sa hindi na nito aktibong karera sa showbiz at kakaibang uri ng pamumuhay ngayon bilang isang hands-on mother at Christian content creator.
Ang iba naman, mas piniling ipagtanggol si Rica, sinasabing totoo at makabuluhan ang kanyang sinabi at ito ay dapat magsilbing paalala sa lahat na huwag padala sa social media comparisons.
Isang netizen ang nagkomento:
“Hindi naman niya siniraan si Heart. Ang punto lang niya, hindi natin alam ang buong kwento sa likod ng mga Instagram photos, kaya huwag nating i-pressure ang sarili natin na dapat gano’n din tayo.”
Habang ang isa ay nagbigay ng mas matinding komento:
“Holier than thou, @Rica Peralejo Bonifacio. Do you personally know Heart Evangelista to demean her and make it seem she’s so vain she didn’t have any kids just so she can become a fashion influencer?”
Sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos, nanatiling tahimik si Rica at hindi na muling nagsalita hinggil sa isyu. Si Heart Evangelista naman ay hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag kaugnay ng pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa nasabing post.
Sa huli, ang nangyaring diskurso ay patunay na patuloy ang pagtatalo ng publiko sa pagitan ng reality versus curated social media personas, at kung paanong dapat nating balansehin ang paghanga at ang sariling pagmamahal sa sarili — hindi base sa mga nakikita natin online, kundi sa kung ano talaga ang totoo sa ating mga buhay.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!