Darryl Yap, Binweltahan Ang Mga Negative Comment Sa Pahayag Ng Bata Na Nais Niya Tulungan Ang Kanyang Mga Magulang

Lunes, Hunyo 30, 2025

/ by Lovely


 Naglabas ng matapang na opinyon ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap patungkol sa mga taong bumabatikos sa mga kabataang nangangarap makatulong sa kanilang mga magulang. Sa isang post na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account noong Biyernes, Hunyo 27, ipinarating ni Darryl ang kanyang pagkadismaya sa mga indibidwal na pumupuna sa intensyon ng mga kabataan na iahon ang kanilang pamilya mula sa kahirapan.


Ayon sa kanya, hindi raw makatarungan ang pagkwestiyon sa motibasyon ng isang bata na nais suklian ang sakripisyo ng kanyang mga magulang. 


Giit niya, “Bakit natin kukulayan ang motivation ng bata? yun ang gusto nya— iahon ang pamilya nya, suklian ang pagod ng magulang nya. patikimin sila ng mga masasarap na pagkain, bilhan ng damit, sasakyan at alahas.”


Pinuna rin ng direktor ang mga pahayag ng ilan na kesyo kawawa ang bata dahil agad itong binibigyan ng responsibilidad o ginagawa na raw itong parang “gatasan.” Aniya, wala raw sapat na batayan ang ganitong klaseng pananaw, lalo na kung manggagaling ito sa mga taong hindi naranasan ang tunay na hirap ng buhay o hindi nakita ang pagod ng mga magulang.


"Ang mga nagsasabi lang niyan ay yung mga hindi nakita ang pagpupunyagi ng magulang, hindi personal na dinanas ang hirap ng isang pamilya, at higit sa lahat—nangarap mag-isa,” dagdag pa ni Darryl.


Para sa direktor, likas sa kulturang Pilipino ang pagkakaroon ng malasakit hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa pamilya. 


"Hindi ba’t mas nakakabahala yung sumagot ang bata sa tanong na ‘Bakit gusto mong magtagumpay sa buhay?’ ‘GUSTO KO PONG MAGTAGUMPAY PARA SA SARILI KO LANG, IWAN KO ANG PAMILYA KO SA KUNG NASAAN SILA DAHIL DI KO NAMAN SILA KARGO, BASTA PAG NANALO AKO SA BUHAY—AKO LANG, DI DAMAY-DAMAY, dahil isa akong EWW, EMO-WEAK-WOKE’,” pagpupunto ng direktor.


Pinasaringan din niya ang ganitong pananaw at tinawag ang mga taong may ganitong mindset na "EWW – Emo, Weak, Woke," isang pauso niyang istilo ng pagbansag sa mga masyadong sensitibo o masyadong makasarili sa paningin niya.


Dagdag pa niya, hindi raw dapat maging isyu kung pinipiling maging responsable ng isang bata para sa kanyang pamilya. Sa halip na batikusin, dapat pa nga raw itong ipagdiwang dahil ito ay patunay ng pagmamahal, pagtanaw ng utang na loob, at pagpapahalaga sa pamilya—mga katangiang malapit sa puso ng mga Pilipino.


Sa huli, hinimok ni Darryl ang publiko na maging mas maunawain at huwag agad maghusga. Aniya, hindi lahat ng batang may pangarap para sa pamilya ay kinokontrol, ginagamit, o pinagsasamantalahan. Minsan, ito ay kusang loob at nagmumula sa pusong puno ng pangarap at pagmamahal.


Sa kabila ng kontrobersya, naninindigan si Darryl na hindi dapat maging kasalanan ang hangaring makatulong sa pamilya, lalo na kung ito ay bunga ng sariling kagustuhan ng bata. Sa halip na sabihing ginagamit sila, marapat lamang na kilalanin ang kanilang malasakit at determinasyon.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo