May matapang na pahayag ang aktres at beauty queen na si Alyssa Muhlach kaugnay sa usapin ng panloloko sa relasyon, lalo na sa mundo ng showbiz. Sa kaniyang panayam sa He Said, She Said Podcast kasama ang co-host na si Chris Young, tinalakay ni Alyssa ang kanyang matibay na paninindigan laban sa mga taong nanlaloko, o “cheaters,” at kung paano dapat silang harapin.
Ayon kay Alyssa, hindi maikakailang laganap ang cheating sa entertainment industry, at marami ang tila nasasanay o nagbubulag-bulagan sa ganitong uri ng pag-uugali. Aniya, tila normal na lang para sa iba ang manloko, at kadalasan ay hindi ito nabibigyan ng sapat na parusa o kahihiyan.
"There's so much cheaters in showbiz," saad ni Alyssa.
Hindi nagdalawang-isip si Alyssa na sabihin kung ano ang nararapat, sa kanyang pananaw, para sa mga taong gumagawa ng ganitong uri ng pagkakamali. Buo ang kanyang paninindigan: dapat daw ay ipahiya ang mga manloloko sa publiko upang magsilbing babala sa iba.
"And it's excused. They should be publicly shamed. They should be so publicly shamed, no one will ever cheat like, that is my stand. That is my stand talaga," dagdag pa ng aktres.
Ginamit pa ni Alyssa ang salitang “ibandera” upang ipakita kung gaano kalaki ang kanyang paniniwala na dapat itong gawing pampubliko. "Dapat talaga may ano dito eh, yung ano ba tawag doon, yung ibabandera ka sa buong mundo..." ani niya.
Sa konteksto ng kanyang pahayag, ipinapakita ni Alyssa ang panghihinayang sa kawalan ng accountability ng ilang mga kilalang personalidad sa showbiz na nasasangkot sa mga isyu ng infidelity o pagtataksil. Madalas daw kasi ay natatabunan ito ng kasikatan, impluwensya, at minsan ay ng “damage control” ng mga management team na layuning protektahan ang imahe ng artista.
Binanggit din ng co-host niyang si Chris Young na sa kabila ng pagiging kontrobersyal ng paninindigan ni Alyssa, marami pa rin ang maaaring makarelate at sumang-ayon, lalo na yung mga naging biktima na rin ng panloloko. Sa panahon ngayon, kung saan mabilis kumalat ang impormasyon sa social media, naniniwala si Alyssa na may kapangyarihan ang publiko upang panagutin ang mga nanloloko.
Hindi naman nabanggit ni Alyssa kung may partikular siyang tinutukoy sa kanyang mga pahayag, ngunit malinaw ang kanyang layunin: nais niyang magsimula ng mas bukas at matapang na pag-uusap tungkol sa respeto, katapatan, at pananagutan sa mga relasyon—lalo na sa industriyang madalas ay pinagmumulan ng mga kontrobersya sa pag-ibig.
Sa kanyang paninindigan, pinapakita ni Alyssa Muhlach ang kanyang pagiging boses ng kababaihan na pagod na sa paulit-ulit na cycle ng panloloko at pagko-cover up sa entertainment world. Para sa kanya, panahon na upang wakasan ang normalisasyon ng cheating at panagutin ang mga may sala—hindi para sirain, kundi upang itama at turuang rumespeto sa mga relasyon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!