Dennis Padilla Isinalaysay Ang Pinagmulan ng Sama Ng Loob Sa Kasal Ni Claudia

Huwebes, Abril 10, 2025

/ by Lovely


 Sa isang emosyonal na panayam kay Ogie Diaz, inilahad ni Dennis Padilla ang kanyang saloobin tungkol sa kasal ng anak niyang si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo. Dito niya mas detalyado at tapat na ibinahagi ang sakit na kanyang naramdaman, lalo na sa naging karanasan niya bilang ama na halos hindi na kinilala sa napakahalagang okasyon sa buhay ng kanyang anak.


Ayon kay Dennis, isang masakit na katotohanan ang nangyari sa mismong araw ng kasal ni Claudia. Bagamat naroon siya sa seremonya, pakiramdam niya ay isa lamang siyang bisita, at hindi ama ng bride. Ibinahagi niya na habang nakatayo lang siya at nanonood, hindi niya mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Para sa kanya, isa ito sa pinakamasakit na karanasan sa buong buhay niya, at hindi raw ito matutumbasan ng kahit anong hirap na naranasan niya sa nakaraan.


"Nakatayo lang ako nag-oobserve. Pumapatak luha ko grabe. One of the most painful part ng buhay ko... wala to sa kalahati ng naranasan ko sa mga nakaraan..."


Mas matindi pa raw ang sakit dahil sa inaasahan niyang magiging bahagi siya ng selebrasyon bilang ama. Ngunit ang pakiramdam niya, wala siyang lugar doon. Sinabi pa niya na mas mabuti pa sana kung hindi na lang siya inimbitahan, tapos bigla na lang siyang sumulpot, dahil wala siyang expectations kung ganoon. Ngunit ang nangyari, dumalo siya bilang inaasahan, ngunit tila hindi siya bahagi ng mahalagang sandali.


“Mas gusto ko pa nga kung di ako inimbitahan pero dumating ako. At least, hindi ko mararamdaman na hindi ako pinapansin kasi wala akong inaasahan. Pero nung nandoon ako, parang invisible ako. Ang sakit,” dagdag pa niya.


Dahil dito, nagdesisyon si Dennis na tuluyan nang tapusin ang pakikipag-ugnayan sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto. Aniya, ayaw na niyang pilitin pa ang sarili sa mga taong ayaw namang tanggapin siya. Tinanggap na lamang niyang ama na lang siya sa pangalan, ngunit wala nang relasyong matatawag na tunay.


"Ayaw ko na, surrender na, finish. Tatay nalang nila ako. Pero bringing back the relationship, wala na siguro"  saad ni Dennis.


Mas lalo pang nadagdagan ang sakit na nararamdaman niya nang mapansin niyang ni isa sa kanyang mga anak ay hindi man lang nagpo-post ng larawan nila kasama siya sa social media. Wala man lang banggit tungkol sa kanya, sa kanyang mga magulang na kapwa rin artista, o kahit pasimpleng acknowledgement. Para sa kanya, malinaw itong senyales ng tuluyang pagkawala ng koneksyon.


"Ngayon ko lang na-realize. Not one of my children even posted my picture in theis Instagram... Ni wala akong picture sa kahit anong social media nila. Ni walang mention ng pangalan ko, ng nanay ko, ng tatay ko na artista din sa kanilang social media post. As in, zero. Why?" emosyonal niyang tanong.


"Sabi nila ako yung toxic. Talaga ba?"


Sa huli, sinabi niyang tinanggap na niya ang katotohanang wala na. Napagod na raw siya sa paulit-ulit na paghabol at sa sakit na paulit-ulit na nararamdaman. Ngayon, mas pinili na lang niyang tahimik na magpatuloy bilang isang ama mula sa malayo—walang inaasahan, walang hinihingi, at walang sakit na muling dadanasin.


"Wala na, I'm sorry wala na. Napagod na," pagtatapos niya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo