Kumpirmado! Bullet Jalosjos Inamin Na Kanya Ang Mamahaling Condo Na Tinitirhan Ni Dominic Roque

Miyerkules, Pebrero 21, 2024

/ by Lovely


 Inamin na ng TAPE Incorporated executive at Dapitan City Mayor na si Bullet Jalosjos ang mga bali-balitang siya ang totoong nagmamay-ari sa condo unit na tinitirhan ngayon ng actor-model na si Dominic Roque.


Matatandaan na labis na ikinagulat ng mga netizens ang napapabalitang paghihiwalay nina Dominic Roque at Bea Alonzo dahil nauna nang isiniwalat ni Dominic Roque na naghahanda na silang magpakasal ni Bea Alonzo.


Ayon kay Dominic sa isang interview nakapokus na umano sila ni Bea Alonzo sa pagpaplano ng kanilang kasal at napag-uusapan na rin kung sino-sino ang maiimbitahan at makakasama sa entourage.


Subalit, matapos ang isang linggo ay pinabulaanan ito ni Bea Alonzo at nilinaw na wala pa silang napag-uusapang plano ni Dominic Roque. Napansin rin ng mga netizens na hindi na sinusuot ni Bea Alonzo ang ibinigay sa kanyang engagement ring ni Dominic Roque.


Dahil ito, marami ang naghinala na baka naghiwalay na ang dalawa at naglabasan na rin ang samu't-saring spekulasyon patungkol sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.


May mga naghinala na may nadiskubre umano si Bea Alonzo at ang pamilya nito na hindi nila matanggap patungkol sa totoong pagkatao ni Dominic Roque. Ayon pa sa mga bali-balita, nalaman umano ni Bea Alonzo ang patungkol sa mga benefactor ni Dominic Roque na nagpapatira rito sa isang mamahaling condo unit na isa umanong lalaking pulitiko.


Dahil sa isyung ito, marami ang mga pangalan ng mga pulitiko na nakakasama ni Dominic Roque ang pinaghihinalaang karelasyon ng aktor. Lumalabas rin ang pangalan ni Mayor Bullet Jalosjos dahil siay ang totoong nagmamay-ari ng condo unit na tinitirhan ngayon ni Dominic.


Bukod sa kanya dawit rin ang pangalan ni Cong. Joey Catintay dahil ito naman ang kasosyo ni Dominic sa kanyang gasoline business.


Samantala, nagbigay na ng pahayag si Bullet Jalosjos upang linisin ang kanyang pangalan at linawin na ang isyu sa pagitan nila ni Dominic Roque.


Ipinahayag ni Bullet Jalosjos na totoong siya ang nagmamay-ari sa tinitirhang condo ni Dominic Roque. Gayunpaman, iginiit niyang wala silang relasyon at malapit lamang silang magkaibigan.


Ipinunto rin ni Mayor Bullet Jalosjos na hindi naman libre ang pagpapatira niya kay Dominic Roque sa kanyang condo dahil umuupa ito sa kanya ng 50 thousand pesos kada buwan at kailangan din nitong i-maintain ang nasabing condo.


Natatawa na lamang umano si Bullet Jalosjos dahil binigyan kulay ng ilang mga netizens at mga kolumnista ang kanilang pagkakaibigan kung saan pinaghihinalaan silang mayroong tinatagong relasyon.


Matatandaan na naunang itinanggi ni Bullet Jalosjos ang isyung siya ang nagmamay-ari ng condo unit na tinitirahan ni Dominic Roque, subalit ngayon ay nilinaw na niya ang lahat upang matigil na rin ang isyu.


Nilinaw din ni Bullet Jalosjos kung gaano kabuti si Dominic Roque at wala umano itong ginagawang illegal taliwas sa mga pinagsasasabi ng mga kolumnita.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo