Kim Chiu Tinalakan Ang Contestant Sa Expecially for You! Kim Hindi Nakapagtimpi!

Miyerkules, Pebrero 21, 2024

/ by Lovely


Tila hindi nagkasundo sina Chinita Princess Kim Chiu at ang searcher sa kamakailang episode ng It's Showtime sa segment na Expecially For You.


Tila nasalubong si Kim Chiu ng isang talakayan sa kanyang muling pagbabalik sa It's Showtime matapos ang ilang araw na wala ito sa show dahil sa sunod-sunod nilang taping ni Paulo Avelino.


Sa nasabing segment, nagkaroon ng diskusyon sina Kim Chiu at ang searcher patungkol sa hindi nito paglalaban sa pagmamahalan nila ng kanyang ex.


Ayon sa searcher, mas pinili niyang sumuko dahil wala na umano siyang pag-asa dahil mas mataas ang kanyang kalaban, dahil ito ang ama ng kanyang ex kaya naman hindi na lamang niya ipinaglaban ito at sinunod ang kagustuhan ang ama nito bilang pagrespet na rin sa nakakatanda.


Hindi naman nagustuhan ni Kim Chiu ang naging pahayag ng searcher at ipinunto ng aktres ang kanyang paniniwala na kapag totoong mahal mo ang isang tao ay ipaglalaban mo at hahamakin ang lahat ng pagsubok.


Ayon kay Kim Chiu, walang mas tataas na kalaban kung talagang mahal mo ang isang tao. Hindi naman nagpatalo ang seacher at sinagot si Kim Chiu, ayon sa searcher na hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong sumabak sa isang gyera lalo na kung hindi naman sapat ang dala mong bala.


Upang hindi na magkainitan pa ang sagutan ng dalawa ay kaagad nang sumingit si Tiyang Amy para matigil na ang diskusyon ng dalawa. Iniba rin ni Vhong Navarro ang paksa at hayagang tinanong si Kim Chiu kung ano ang kanyang gagawin sakaling naroon siya sa sitwasyon ng kanilang mga contestant sa ngayon.


Kaagad naman itong sinagot ni Kim Chiu at ipinunto na mas nakakababae kapag ipinaglalaban siya ng taong minamahal subalit naiintindihan naman umano niya na iba-iba ang paraan ng bawat isa kung paano ipaparamdam ang pagmamahal.


Samantala, marami ang naghinala na baka naranasan umano ni Kim Chiu ang ganitong sitwasyon at hindi siya ipinaglaban ng kanyang karelasyon kaya naman sour topic para kay Kim Chiu at patungkol sa pagsuko na lamang.


Marami ang naghinala na hindi ito nalalayo sa totoong dahilan ng hiwalayan nila ni Xian Lim dahil lumabas na rin ang mga bali-balita noong na hindi tanggap ng mga magulang at pamilya ni Kim Chiu si Xian Lim kaya hindi magawa ni Xian na pakasalan ang aktres.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo