Kapuso Writer, Itinangging Tagasalo Si Bea Alonzo Ng Mga Inayawang Proyekto Ni Marian Rivera

Huwebes, Pebrero 15, 2024

/ by Lovely


 Kapuso writer na si RJ Cuevas, pinabulaanan ang isyung ginawa lamang na tagasalo si Bea Alonzo sa mga project na inayawan ni Marian Rivera.


Matatandaan na isiniwalat noon ng kasamahan ni Ogie Diaz ang patungkol sa nakarating sa kanilang balita patungkol kina Bea Alonzo at Marian Rivera na parehong superstar sa GMA NetworK.


Ayon sa isa sa mga kasamahan ni Ogie Diaz na host sa kanuyang vlog, may nakapagsabi umano sa kanya na tila ginagawang tagasalo lamang si Bea Alonzo sa mga project na inayawan ni Marian Rivera.


Ayon sa kanilang source, una umanong ipo-propose kay Marian Rivera ang nasabing project kung sakaling hindi nito tatanggapin ay saka lamang ito ibibigay kay Bea Alonzo.


Samantala, kaagad naman itong pinabulaan ng Kapuso writer na si RJ Nuevas kung saan iginiit niyang walang katotohanan ang isyung ito. Sa katunayan ay siya umano ang nagkaroon ng pagkaakataon na matanong kung ano ang konsepto na nababagay kay Bea Alonzo.


Isiniwalat pa ni RJ Nuevas na ang magandang konepto na naisip, ipinasa at naabrubahan ng mga boss ay ang widow's War.


Iginiit din niya na hindi totoo na isyung ibinbinigay muna kay Marian Rivera ang mga proyekto at kapag inayawan ito ng aktres ay saka na lamang iniooffer kay Bea Alonzo.


Dagdag pa ni RJ Cuevas na wala pang proyekto si Bea Alonzo na sinalo lamang niya kay Marian Rivera dahil lahat umano ng mga naibigay sa kanya ay talagang ginawa para sa kanya.


Sa kabila nito, patuloy namang naninindigan si Ogie Diaz sa kanyang Twitter post na naniniwala siya sa kanyang source patungkol sa katayuan ni Bea Alonzo sa GMA7.


Ayon kay Ogie Diaz, "Basta kami, me nakakausap na source AT sinasabi ko naman na ayon sa source and hindi ko kinukumpirma. Baket, meron nga, totoo na, dinedenay pa eh. But eyes can't lie. So ano? Ipipilit ko ba yung alam ko? Hindi na. Basta they know the truth."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo