Joshua Aquino Tumugtog ng Piano Para Sa Inang Si Kris Aquino at Kay Mark Leviste!

Martes, Pebrero 27, 2024

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay naghihintay ang mga fans ng Queen Of All Media na si Kris Aquino ng panibagong update patungkol sa pakikipaglaban nito sa kanyang karamdaman doon sa Amerika.


Matatandaan na nitong February 14, 2024 ginulat ni Kris Aquino ang kanyang mga tagahanga nang aminin niya sa lahat ang totoong kalagayan ng kanyang kalusugan doon sa Amerika.


Inamin ni Kris Aquino na nadadagdagan ngayon ang kanyang mga karamdaman bukod sa mga kinakaharap niyang mga autoimmune diseases nagkaroon na rin ng complications ang kanyang lungs at heart kaya naman maari na umano siyang bigla na lamang na mag-cardiac arrest.


Lalo pang nagpapahirap sa sitwasyon ni Kris Aquino ang pagiging allergic niya sa halos lahat ng bagay, na nagpapahirap sa kanyang mga doktor sa pagbibigay sa kanya ng mga gamot para malabanan ang kanyang mga karamdaman.


Isiniwalat din ni Kris Aquino na may isang gamot na susubukan ang mga doktor na iturok sa kanya na maaaring maging dahilan ng kanyang paggaling at tuluyang pagkawala. 


Ayon kay Kris Aquino, may malaking risk na dala ang nasabing gamot at hindi pa umano sigurado kung kakayanin ito ng kanyang katawan. Ang gamot umanong ito ay hindi basta-bastang ibinibigay sa mga may sakit.


Kung sakali mang makayanan ng kanyang katawang ang pasiunang baby dosage na ibibigay sa kanya ay kailangan pa niya ng apat na doses para makumpleto ang treatment, pagkatapos nito ay bahala na umano ang panginoon sa kanya.


Hiniling rin ni Kris Aquino sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya na patuloy siyang ipagdasal para malampasan niya ang lahat ng mga pagsubok sa buhay.


Samantala, makikita naman sa mga kumakalat na larawan ngayon sa social media ang kaganapan ngayon sa Amerika kung saan makikitang naroon rin si Mark Leviste at ang mga anak nito para ipakita ang kanilang pagsuporta at pagmamahal para kay Kris Aquino.


Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Mark Leviste sa kanyang social media account ang pagpa-piano ni Josh para sa kanila ni Kris Aquino.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo