Catriona Gray at Sam Milby Hiwalay Na! Catriona Hindi Na Suot Ang Engagement Ring!

Lunes, Pebrero 26, 2024

/ by Lovely

Usap-usapan ngayon sa ilan mga social media platforms ang pagsisiwalat ni Ogie Diaz ng nakarating sa kanyang balita mula sa kanyang mapagkakatiwalaang sources na umano'y naghiwalay na sina Catriona Gray at Sam Milby.


Ikinagulat ng maraming mga netizens ang napapabalitang matagal na umanong naghiwalay ang engaged couple na sina Catriona Gray at Sam Milby. Tila hindi na matapos-tapos ang mga balita patungkol sa mga celebrity couples na naghihiwalay.


Mula noong huling bahagi ng 2023 naging laman na ng mga balita ang hiwalayan ng mga celebrity couples na matagal na ring nagkaroon ng relasyon sa hindi malamang mga kadahilanan.


Matapos maging laman ng mga usap-usapan ang patungkol sa biglaang paghihiwalay ng engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque may panibagong pinag-uusapan naman ngayon ang mga marites. Ito ay ang hiwalayan naman nina Catriona Gray at Sam Milby.


Nag-ugat ang bali-balitang ito nang mapansin ng ilang marites na minsan ay hindi suot ni Catriona Gray ang kanyang singsing na ibinigay ni Sam Milby bilang engagement ring.


Sa kamakailang episode ng Showbiz Update vlog nina Ogie Diaz kasama ang kanyang mga co-host na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh naitalakay nila ang nakarating sa kanilang tsika patungkol sa hiwalayan nina Catriona Gray at Sam Milby.


Unang lumabas ang balitang ito nang mapansin ng ilang mga netizens na hindi na rin sinusuot ni Catriona Gray ang kanyang engagement ring. Naging tahimik naman ang isyung ito nang magbahagi ng isang ramdom post ang beauty queen kung saan nakatag pa si Sam Milby.


Subalit, ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz, sinabi sa kanya ng kanyang mapagkakatiwalaang source na totoong naghiwalay na umano ang dalawa subalit, hindi naman isiniwalat ang totoong dahilan kung bakit nagwakas ang relasyon nina Sam Milby at Catriona Gray.


Iginiit naman ni Ogie Diaz na tatanungin pa rin niya ang iba pa niyang mga sources patungkol sa isyung ito dahil baka wala naman itong katotohanan.


Ikinagulat rin umano ito ni Ogie Diaz dahil nagkasama pa umano sila nitong mga nagdaang araw subalit bakit bigla naman umanong nag-iba ang ihip ng hangin ngayon at biglang nauwi sa hiwalay na ang dalawa.


Sa ngayon ay hindi pa rin namang naglalabas ng pahayag ang kampo nina Catriona Gray at Sam Milby patungkol sa mga balitang ito, subalit marami sa mga netizens ang naghinalang may katotohanan ang isiniwalat ni Ogie Diaz dahil sa mga nauna niyang mga isiniwalat na tsika na sa huli ay may katotohanan naman.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo