Bagong Loveteam: Daniel Padilla at Atasha Muhlach, Magiging Bagong Loveteam.

Sabado, Pebrero 24, 2024

/ by Sparkle

 


Mukhang nakahanap na ng bagong partner ang supporters ni Daniel Padilla na gustong maging ka-loveteam ng kanilang idolo. 


Bagama't kapwa nag-renew ng kontrata sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla bilang Kapamilya at sa parehong talent management, tiniyak ng aktres na si Kathryn na hindi sila magsasama at magkakatrabaho ng dating nobyo na si Daniel Padilla. 


Kaya sa ngayon, todo ang paghahanap ng fans ng aktor ng babagay kay Daniel na makakapareha. 


Isa sa mga napupusuan ng fans ni Daniel na umaasang maging bagong kaloveteam ay ang bagong aktres at kasalukuyang host ng TV5 noontime show na "Eat Bulaga", si Atasha Muhlach. 




Marami sa mga tagahanga ng aktor at maging sa mga netizens ang nagsasabing perfect match ang dalawa. 


Matatandaang inamin ni Atasha na gusto niyang pasukin ang mundo ng showbiz at sundan ang yapak ng kanyang ina. 


Isa sa kanyang bucketlist ay i-remake ang fantasy movie na "Dyesebel" ng kanyang ina na si Sharlene Gonzales. 


Gusto raw niyang gampanan ang iconic character ng bida dito na si Dyesebel sa version niya. Marami sa kanilang mga tagahanga at netizens ang nagtutulak ng posibleng tambalan ng dalawa. 




Sa katunayan, ang kanilang mga tagahanga ay nagsisimulang lumikha ng mga grupo at fan page sa mga sikat na social media platform. 


Samantala, wala pang detalye ang management ng ABS-CBN at ang kampo nina Daniel Padilla at Atasha Muhlach ukol dito. 


@hazeltan157 #abscbn #danielpadilla #viraltiktok #viralvideo #abrahamlawyer #atashamuhlach #kathrynbernardo #gmanetwork #channel5 ♬ Beauty and a beat - «ðŸŽ§»

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo