Ang Mahalagang Announcement Ni Kris Aquino Na Ipinakiusap Niya Kay Boy Abunda

Miyerkules, Pebrero 14, 2024

/ by Lovely


 Ikinalungkot ng maraming nagmamahal kay Kris Aquino ang kanyang mga isiniwalat sa kamakailang episode ng Fast Talk with Boy Abunda.


Dito ipinahayag ni Kris Aquino sa publiko ang totoong kalagayan niya ngayon at kung ano-ano ang maaring mangyaro sa kanya sa mga darating na buwan habang patuloy niyang nilalabanan ang kanyang mga autoimmune diseases at ang mga complications na kaakibat ng mga ito.


Inamin ng Queen of All Media na si Kris Aquino na hindi na bumubuti ang kanyang kalagayan sa ngayon sa katunayan ay mayroon na lamang siyang isang medication na susubukan para sa kanyang paggaling.


Ang medication na ito ay may kaakibat na matinding risk kung saan maari siyang mawala anumang oras kahit na sa kanyang pagtulog. Ang gamot ding ito ay hindi basta-basta na ibinibigay sa pasyente dahil hindi ito ligtas.


Sa darating na lunes ay susubukan umano siyang bigyan ng baby dose nito, kung sakali mang makayanan ng kanyang katawan ang dose ay bibigyan siya ng pangalawa hanggang sa apat na dose sa loob ng anim na buwan.


Ayon sa naging pahayag ni Kris Aquino sa live ni coverage ni Boy Abunda, anumang oras ay maari siyang ma-cardiac arrest  dahil sa complications ng kanyang mga karamdaman.


Mayroon umanong limang autoimmune diseases si Kris Aquino na lalong nagpapabagsak ngayon sa kanyang katawan, ang panglima sa mga ito ay siyang pinaka-agresibo sa lahat.


Hindi rin umano nakatulong sa kanyang kalagayan ngayon ang pagkakapositibo niya sa COVID-19 ilang buwan na ang nakakalipas dahil dito may problema na rin ang kanyang lungs.


Totoong alarming na ngayon ang kalagayan ni Kris Aquino lalo na sa pagbagsak ng kanyng hemoglobin counts na siyang nagdadala ng oxygen sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan.


May problema na rin ang puso ni Kris Aquino dahil sa irregular na pagtaas ng kanyang heart rate, sa katunayan may pagkakataon umano na kahit pupunta lamang siya sa banyo ay aabot na sa  120 hanggang 146 ang kanyang heart rate.


Dagdag pa ni Kris Aquino na posible siyang ma-stroke anumang oras kaya naman triple na ang kanyang ginagawang pag-iingat. Sa ngayon ay muling humihingi ng panalangin si Kris Aquino para isama siya sa mga pagdarasal.


Kakapalan na umano niya ang kanyang mukha dahil ayaw pa niyang iwan ang kanyang mga anak na labis pang nangangailangan sa kanya.


Ipinangako pa ni Kris Aquino na kahit nahihirapan na siya ay hindi pa rin siya susuko sa laban dahil marami pa siyang gustong gawin kasama ang kanyang mga anak.


Kung sakali mang hindi na siya mabibigyan ng pagkakataon ay may nakahanda na rin naman siyang plano para sa kanyang dalawang anak na maiiwan niya.

@im_paulchester NEXT 6 MONTHS IS CRUCIAL FOR KRIS TITO BOY: ANONG MANG YAYARI SA SUSUNOD NA ANIM NA BUWAN? KRIS AQUINO: NGAYON AKO HIHINGI TALAGA NG DASAL DAHIL I REALLY NEEDED NOW. SABIHIN MAN NATIN NA DAHIL SA POLITIKA AY NA HATE NG IBA SI ATE KRIS PERO THIS TIME KAILANGAN NYA NG DASAL NATIN..... WE PRAY FOR FAST RECOVERY ATE KRIS, GAGALING KA PO🥺🙏 #fyp #foryou #foryoupage #trend #trending #krisaquino #aquino #fasttalkwithboyabubda #boyabunda #abscbnnews #gmanews #news5 ♬ original sound - PaulChester

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo