Pag-Unfollow Nina Issa Pressman, James Reid Pakulo o Karma?

Lunes, Nobyembre 13, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa social media ang biglaang pag-unfollow nina Issa Pressman at James Reid sa isa't-isa ilang buwan matapos aminin ang kanilang romantic relastionship.


Umaani ngayon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang biglaang pag-unfollow nina James Reid at Issa Pressman sa Instagram sa gitna ng mga maiinit na usapin hinggil sa paghihiwalay na ng ilang mga longtime celebrity couples na KimXi at KathNeil.


Sa panahon kasi ngayon ay naging batayan na ang social media platforms para magkaideya ang publiko sa estado ng relasyon ng celebrities.


Subalit, marami naman ang naghinalang baka nagkatampuhan lamang ang dalawa o di kaya ay pakulo lamang umano nila ito upang mapansin rin dahil sa mga pinag-uusapang break ups ngayon ng mga celebrities.


Kung mapapansin na hanggang ngayon ay hindi pa naman burado sa kani-kanilang mga Instagram accounts ang kanilang mga larawan na magkasama.


Matatandaan na nitong buwan ng September buong pagmamalaking ipinahayag ni James Reid sa isang panayam ng kung gaano siya kasaya sa piling ni Issa. Ipinahayag pa niyang inlove talaga siya rito.


“There’s no better way to say it. I’m very in love. I’m very happy. Six months ago, we just really clicked and, you know, we're very happy. It's been a crazy six months, roller coaster but super happy," pahayag noon ni James Reid.


Matatandaan rin na unang inamin ni James Reid ang kanilang relasyon ni Issa Pressman buwan ng Marso sa kasalukuyang taon.


Subalit, bago paman ang pag-amin ni James Reid ay nauna silang nagkaroon ng isyu kung saan pinaghihinalaan ng ilang mga netizens na si Issa Pressman ang totoong dahilan nang hiwalayan noon nina James Reid at Nadine Lustre.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo