Jennica Garcia May Hiniling Sa ABS-CBN Bosses Habang Nagdarasal Sa It's Your Lucky Day

Martes, Oktubre 24, 2023

/ by Lovely


 Tila labis nang naa-attach ang aktres na si Jennica Garcia sa kinabibilangan niyang show ngayon na It's Your Lucky Day.


Habang nagdarasal para sa kanilang show, hiniling ni Jennica sa mga ABS-CBN bosses na sana ay hindi muna itigil ang kanilang show at hindi umano magtatapos sa darating na byernes ang kanilang show.


"Lord God, ang ipinagdarasal lang po namin ay hawakan niyo po ang mga puso ng aming mga bosses Lord God na hindi friday ang pinakahuling araw ng Lucky Day. Mag move po kami ng different timeslot but still the same family."


Nakatakda nang magtatapos sa darating na byernes, October 27 ang It's Your Lucky Day dahil magbabalik na sa pag-ere ang It's Showtime sa pagtatapos ng kanilang suspension.


Sa ngayon ay hindi pa rin sigurado kung maeextend at ililipat lamang ng sila ng timeslot ang It's Your Lucky Day.


Matatandaan na marami sa mga manonood ang humihiling na sana ay maextend ang It's Your Lucky Day at ilipat na lamang sa ibang timeslot dahil sa sayang hatid nito sa mga manonood.


Samantala, marami naman ngayon sa mga madlang pipol ang excited na sa muling pagbabalik ng It's Showtime matapos ang ilang araw na pagkakasuspinde nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo