Hiwalayan Noon Nina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco Na Ungkat!

Huwebes, Setyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Aminado ang premyadong aktor at direktor na si Ricky Davao na nakaramdam din siya nang panghihinayang sa hiwalayan nila noon ng kanyang asawa na si Jackie Blanco.


Inamin din ni Ricky Davao na hindi umano niya kailanman naisip na masisira ang kanilang pagiging mag-asawa noon at magkakaroon ng broken family.


Aminado din si Ricky Davao na marami siyang what-ifs sa nangyari sa kanila ng dating asawa. Marami rin umano siyang regrets sa nangyari. Gayunpaman, ,dumating rin umano ang panahon na nakapag-move on na siya at tinanggap ang pangyayari.


"Ganun naman talaga may pagkakamali, may hindi pagkakasunduan at nong mangyari yun may epekto sa mga bata. Pero nakapagmove on na naman kami. okay na naman na ang lahat," pahayag ni Ricky sa isang panayam.


Paliwanag pa ng direktor, "Hindi ko naman plinano na magkaroon ng, ang tawag ba nun ay broken family o separated. Wala sa plano yun eh, wala sa idea yun pero nangyari."


"So, you just have to know how to work on it, move on."



Matatandaan na inamin din noon ni Jackie Lou sa kanyang panayam kay Boy Abunda na ang nais niyang baguhin sa nakaraan ay ang paghihiwalay nila ni Ricky.


Ito'y sa kadahilanan na nakita umano niya ang epekto noon sa kanilang mga anak. Sa kabila nito, pilit naman silang iniintindi ng kanilang mga anak.


Naging epektibo din naman umano ang kanilang co-parenting set-up sa kanilang mga anak.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo