Jhong Hilario Nagulat Sa Reaksyon Ng Kanyang Anak Sa Pasalubong Na Chips

Biyernes, Hunyo 16, 2023

/ by Lovely


Muli na namang ibinahagi ng aktor-host, politician na si Jhng Hilario ang isang cute moments nila ng kanyang anak na si Sarina Hilario.


Una nang pinahanga ni Sarina ang mga netizens sa kanyang pagkanta kasama ng kanyang ama na si Jhong Hilario.


Marami sa mga netizens na nagsasabi talagang namana ni Sarina ang pagiging bibo ng ama na si Jhong.


Kamakailan lamang ay muli na namang pinahanga ni Sarina ang mga netizens nang magpasalamat siya sa pasalubong na mga chips ng kanyang ama na si Jhong Hilario.


Makikita sa mukha ng bata na labis siyang nasisiyahan sa pasalubong ng kaya todo ang pagyakap niya sa sisidlan nito.


Kinagigiliwan din ang reaksyon ni Sarina habang kinakain niya ang chips.


"Your daughter makes my day every time I see her video. Future artista in the making. So cute and adorable!"


"Sobrang nakakagood vibes ang batang to ❤️ hello bebe sari"


Sa kabilang banda, hinahangaan ngayon ng mga netizens si Jhong Hilario sa kanyang matagumpay na pagtatapos sa kursong Political Science bilang isang Magna Cumlaude.


Labis na nakapagbigay ng inspirasyon si Jhong sa lahat na siyang nagpapatunay na hindi hadlang ang edad at pagkakaroon ng pamilya sa pagtupad ng pangarap.


Pinapatunayan din ni Jhong Hilario na kayang pagsabayin ang pagtatrabaho, pagiging haligi ng tahanan at pag-aaral hangga't buo ang pagsuporta sa mga taong nasa paligid.


Narito ang buong video ni Sarina Hilario: https://www.instagram.com/reel/CtjLm2mv-qb/?utm_source=ig_web_copy_link&igshid=MzRlODBiNWFlZA==

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo