Xander Ford Nag Rant Sa Social Media Matapos Ang Binyag Ng Anak!

Miyerkules, Mayo 3, 2023

/ by Lovely


 Tila sumama ang loob ni Marlou Arizala na mas kilala bilang Xander Ford matapos hindi siputin ng mga inaasahan niyang bisita ang binyag ng kanyang anak na si Baby Xeres Isaiah.


Kamakailan lamang ay masayang ibinahagi ni Xander Ford sa kanyang Instagram account ang invitation card para sa binyag ng anak na gaganapin sa Nuestra Sra. De Candelaria Candle Chapel, Silang Town Plaza, Silang Cavite. 


Subalit, tila hindi nakapunta ang ilang importanteng tao na inimbita ni Xander Ford. Kaya naman hindi niya napigil ang pagrarant sa kanyang social media dala ng kanyang pagkakadismaya.


Ayon pa kay Xander, tila hindi binigyan ng mga ito ng importansya ang mahalagang araw ng anak dahil hindi na sila sikat ngayon.


“Ngayon yung binyag ng anak ko ang lungkot kasi yung mga taong inaasahan ko na pupunta sila yung wala,” unang pagbabahagi ni Xander Ford.


Dagdag pang himutok nito, “Kahit yung presensya lang sana para sa baby ko ok na ako pero alam ko di rin kami importante kasi di naman na kami sikat.”


Hindi naman hayagang tinukoy ni Xander Ford ang mga taong hindi sumipot sa binyag ni Baby Xeres. Maging ang totoong dahilan kung bakit hindi nakadalo ang mga ito sa binyag ng kanyang anak ay hindi rin niya isiniwalat pa.


Si Marlou Arizala ay isang myembro ng boy band group na Hasht5. Ang Hasht5 ay sumikat noong 2015 matapos magviral ang kanilang video parody ng isang boy band group.


Kalaunan, nag decide si Marlou Arizala na iwan ang Hasht5 at ipursue ang career sa showbiz bilang solo artist.


Sumailalim sa isang plastic surgery si Marlou Arizala at binago ang kanyang katauhan bilang si Xander Ford.


Sumikat ng husto si Xander Ford at nagkaroon ng sariling fan based. Bigla na lamang bumagsak ang career ni Xander Ford ng magbigay siya ng negatibong komento tungkol sa pagiging sakang ni Kathryn Bernardo.


Dahil sa kanyang pahayag na ito, nagkaroon siya ng maraming bashers at iniwan din siya ng kanyang mga followers.


Samantala, nauna nang naiulat ang pagnanais ni Marlou Arizala na humingi ng tawad personally kay Kathryn Bernardo. Isiniwalat pa niyang bayad siya noong ipinahayag niya ang komentong iyon tungkol kay Kathryn.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo