Xander Ford Arizala Pinangalanan Na Ang Taong Hindi Sumipot sa Binyag ng Anak

Huwebes, Mayo 11, 2023

/ by Lovely

Isiniwalat na ng social media personality at dating actor na si Marlou Arizala aka Xander Ford ang taong sinasabi niyang paasa at hindi marunong tumupad sa pangako.


Kamakailan lamang ay nagtrending sa social media si Xander Ford matapos ang pagrarant niya sa taong hindi sumipot sa binyag ng kanyang anak na si Baby Xeres.


Hindi maitago ni Xander Ford ang kanyang pagkadismaya matapos itong mangakong maging ninong sa kanyang anak at magbibigay ng 35,000 pesos ay hindi man lamang ito nagbigay ng abiso na hindi makakarating sa araw ng binyag.


Nauna rito, nilinaw ni Xander Ford na hindi si Ogie Diaz ang kanyang pinapatungkulan sa kanyang post at sinabig naiintindihan niyang hindi ito nakapunta sa binyag.


Ayon sa pagsisiwalat ni Xander Ford ang kanyang tinutukoy na nagpaasa sa kanila maging sa kanilang anak ay walang iba kundi si Christian Merk Grey na kilala rin bilang 'Makagwapo'.


Ipinahayag din ni Xander Ford na noong 2022 ay dinedma din siya nito nang humingi siya ng advice tungkol sa pagbubuntis ni Gena Mago, ang kanyang kinakasama.


Dagdag pa ni Xander, nito lamang January nagkasundo sila ni Christian Merck Grey na maging ninong ito ni Baby Xeres at magbibigay rin ito ng 35000 pesos, kalahati ng bayad sa catering services para sa reception ng binyag.


"WAY BACK 2022 7MONTHS BUNTIS YUNG ASAWA KO NAG SABI AKO SAYO NA KUYA MERCK BUNTIS ASAWA KO NAG PA ADVICE AKO SAYO SINEEN MO LANG AKO [ PERO OK LANG ] TAPOS NANGANAK YUNG ASAWA KO JANUARY 2023 SANABIHAN KITA KUYA MERCK KUNIN KITANG NINONG THIS TIME SUMAGOT KA SABI MO “ LOU SGE WAG KA MAG ALALA SAGOT KO KALAHATI NG BINYAG MO AKO NA GAGASTOS WAG MUNA ISIPIN YAN “


" SYEMPRE AKO AT ANG MISIS KO NATUWA KAMI KASI HINDI NANAMIN MAGAGALAW YUNG IPON NAMIN TAPOS MARCH 7 2023 NANGA KO KANAMAN NA ”LOU MAG BIBIGAY AKO NG 349k PESOS PARA SA BABY MONG SI XERES “ 


Nilinaw naman ni Xander na hindi ang naudlot na pangako na magbibigay ng pera ni Christian ang ikinagagalit niya, kundi ang hindi nito pagdalo sa binyag. Okey lang naman umano sa kanilang hindi ito nakapagbigay basta ay dumalo man lamang sana umano si Christian.


"KAHIT YUNG PRESENSYA NYO NALANG SANA NI ATE PAM KASI MAGULANG DIN KAYO TULAD KO KAYA ALAM KO NA IINTINDIHAN NYO AKO PERO HINDI HINDI NYO AKO ININTINDI SANA DINALANG NANGAKO AT NAG SABI PARA DI KAMI UMASA"


"WALA EH SABI NGA NILA LUMAKI KANG MAYABANG TATANDA KANG MAYABANG PURO PANGAKO HINDI NAMAN TUMUTUPAD"


Si Christian Merk Grey aka Makagwapo ay isang sikat na content creator. Ang kanyang Youtube channel ay mayroong mahigit 4.3 million subscribers. Kinatutuwaan rin ng maraming netizens ang kanyang pranks at iba pang content kasama ang kanyang girlfriend.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo