Willie Revillame Nagbago Ang Itsura Matapos Magresign Sa AllTV!

Miyerkules, Mayo 10, 2023

/ by Lovely


 Marami ang nagtatanong kung ano na nga ba ang nangyari at kumusta na nga ba ang TV-host na si Willie Revillame matapos itong magresign sa AMBS na siyang pagmamay-ari ng dating senator na si Manny Villar.


Ayon sa nakarating kay Manay Cristy Fermin, na mula umano sa isang source niya na nakakita sa kasalukuyang sitwasyon ni Willie matapos umalis sa ALLTV.


Ayon sa source ng showbiz columnist, tumaba, umitim at mahaba na ngayon ang buhok ni Willie Revillame.


“May nakapagbalita sa akin, isang kaibigan, na ang taba-taba ni Willie, malaki ang tiyan, mahaba ang buhok,” pag-chichika pa ni Manay Cristy Fermin.


Gayunpaman, ayon kay Manay Cristy Fermin madali naman umanong gawan ng paraan ang hitsura ni Willie Revillame.


“Magpapagupit siya, wala nang problema. Mag-diet siya, papayat na siya ‘di ba. Huwag siyang magbilad sa araw tulad ng ginagawa niya sa kanyang rest house sa Mindoro, puputi siya."


"Kaya kapag humarap na uli siya sa mga kababayan natin, sa mga lugar na bibisitahin niya sa Amerika, brand-new Willie Revillame,” saad ni Cristy Fermin.


Matatandaan na naging kontrobersyal noon ang bangayan nina Cristy Fermin at Willie Revillame. Nag-ugat ang lahat ng sinabi ni Cristy Fermin mayabang si Willie Revillame.


Mayabang sa pagpapakita ng tulong. Subalit, hindi ito naintindihan ni Willie Revillame at hindi sinasadyang maisumbat kay Manay Cristy ang lahat ng naibigay niyang tulong rito.


Kalaunan ay humingi naman ng paumanhin si Willie Revillame kay Cristy Fermin at sinabing nabiktima lamang siya sa clickbait articles.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo