Vice Ganda Nagbigay Ng Mensahe Para Sa Madlang Pipol Matapos Mabalik sa 12 Noon Timeslot Ang It's Showtime!

Lunes, Mayo 1, 2023

/ by Lovely


 Agad na naglabas ng pahayag ang Kapamilya superstar at ang tinaguriang Unkabogable Star na si Vice Ganda matapos maibalik sa 12 noon timeslot ang It's Showtime.


Nauna nang inanunsyo ang pagbabalik 12 noon timeslot ng It's Showtime na siyang papalit sa dating timeslot ng Tropang LoL na nag-final episode na noong April 29, 2023.


Matatandaang emosyunal pang namaalam noon ang mga host ng Tropang LoL kabilang na ang dating kasamahan nina Vice Ganda sa It's Showtime na si Billy Crawford.


Ayon kay Billy, naniniwala siyang, 'every ending is a new beginning.'


Samantala, kaagad namang nagpahayag  ng pasasalamat si Vice Ganda sa pagbabalik nila sa dating timeslot sa tanghali.


“And we are all back! At sa ating pagbabalik, nagbabalik tayo sa 12 noon! Sama-sama uli tayo simula ng alas-dose nang tanghali madlang people!”


Labis din siyang nagpapasalamat sa mga madlang pipol na nananatiling loyal sa kanilang show at nakikisaya sa muling pagbabalik nila sa kanilang dating timeslot.


“Kayo talaga ang sigla, kayo ang tibay, kayo ang lakas ng programang ito. At kayo talaga ang nakikipaglaban at ipinaglalaban din namin kaya naman sama-sama tayo sa 12 noon!”


Matatandaan na noong nasa ABS-CBN pa inilalabas ang It's Showtime nasa 12 noon timeslot sila kung saan katapat nila ang nagwakas nang Tropang LoL at Eat Bulaga.


Nang mailipat sila sa TV5 naging ka back-to-back nila ang Tropang LoL.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo