Vice Ganda Nabuking Ang Nagpapanggap Na Lady Guard Contestant Sa It's Showtime!

Huwebes, Mayo 4, 2023

/ by Lovely


 Muling naging usap-usapan ang kamakailang episode ng It's Showtime matapos mabuking ni Vice Ganda ang isang contestant na nagkukunwaring lady guard.


Ngayong araw May 4, 2023 mga nagtatrabaho naman bilang lady guard ang kinuhang guest ng show para kanilang isip-bata segment.


Subalit, may isang contestant pala na nagpapanggap lamang na lady guard na nabuking naman ni Vice Ganda.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na bago magsimula ang kanilang laro ay kinakausap muna nina Vice Ganda o ninuman sa mga host ang mga contestant.


Isa sa nakausap ni Vice Ganda ay ang nagpakilala bilang si Nanay Linda. Tinanong ito ni Vice Ganda kung anong school ang kanyang binabantayan.


Subalit, hindi nakasagot si Nanay Linda ng maayos, panay ngiti at tawa lamang ito. Nabahala naman si Vice Ganda kung bakit hindi nakasagot si Nanay Linda kaya inalok niya muna ito ng tubig.


Magalang naman itong tinanggihan ni Nanay Linda at sinabing okay lamang siya at hindi na kailangan ng tubig.


Muling inulit ni Vice Ganda ang kanyang katanungan rito. Tinanong muli ni Vice Ganda kung saang paaralan ito naka-assign.


Muli, hindi pa rin ito tinugon ni Nanay Linda. Kaya naman dito na nagsimula ang pagdududa ni Vice Ganda kung isa nga ba itong totoong lady guard o nagpapanggap lamang.


Muling tanong ni Vice Ganda, "Nanay, totoo po ba kayong lady guard o binubudol niyo lang kami? Mukhang nagkabudolan na naman tayo dito."


Samantala, marami ang nagduda na hindi totoong lady guard si Nanay Lady at nagpapanggap lamang ito dahil hindi nito sinasagot ng maayos ang tanong ni Vice Ganda at pangiti-ngiti lang.


Pagpupunto pa ng ilang mga netizens na wala namang masama sa pagbabanggit ng school na pinagtatrabahuan.


Gayunpaman, hindi pinaalis nina Vice Ganda ang nasabing contestant. Tinanong lamang niya ang contestant coordinator kung bakit napasali si Nanay Linda gayung hindi naman pala ito lady guard.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo