Veybillyn Gorens at Sachzna Laparan Nagkasagutan Sa Social Media

Huwebes, Mayo 18, 2023

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang sagutan nina Veybillyn Gorens at Sachzna Laparan dahil kay Jomar Lovena.


Nag-ugat ang lahat mapanood ni Veybillyn Gorens ang video ng tila panlalandi umano ni Sachzna sa kanyang kinakasama na si Jomar Lovena.


Kamakailan lamang ay nagpunta si Jomar sa Siargao kung saan naroon din si Sachzna. Kabilin-bilinan pa naman umano niyang huwag silang masyadong maglapit upang makaiwas na rin sa isyu.


Subalit, laking gulat na lamang umano nitong nakarating sa kanya ang video ng pagsasayaw ni Sachnza sa harap mismo ni Jomar.


Agad namang nagmessage si Veybillyn kay Sachzna at tinanong ito kung wala ba silang mga respeto sa kanya, kalakip ng mensahe ay ang video kung saan magkalapit sila ni Jomar.


Nagpost din si Veybillyn sa kanyang Facebook account kung saan ipinahayag niyang sayang lamang ang ganda ng isang babae na kumakabit lang.


Bagama't hindi pinangalanan ni Veybillyn kung sino ang kanyang tinutukoy sa post, sumagot si Sachzna at sinabing puro lamang tahol si Veybillyn at walang kagat.


Muli sumagot si Veybillyn at tahasan nang sinabihan si Sachzna na kumabit na nga noon, kumabit na naman ngayon.


Samantala, kaagad namang nagpadala ng mensahe si Jomar kay Sachzna at ito na ang humihing ng paumanhin sa ginawa ng kinakasama. Subalit, tila hindi matitinag si Sachzna at naghahanda nang kasuhan si Veybillyn sa mga paninirang puri umano nito sa kanya.


Si Jomar Lovena, na mas kilala sa kanyang  stage name, BossKillah (sometimes BossKillah28) is a Filipino YouTuber known for his skits, vlogs, short films and challenges. He is also famously known for being the director and the star of a Filipino rap music video, Hayaan Mo Sila by Ex Battalion.


@makjen Sachzna Laparan and Veybillyn Gorens🍿🍿🍿 #issue2023 #SachznaLaparan #Veybillyn ♬ CHISMIS - GeloBreezy

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo