Sharon Cuneta, Ibinandera Ang Kanyang Projects At Schedule Ngayong 2023 Matapos Sabihang SipSip

Lunes, Mayo 29, 2023

/ by Lovely


 Kasunod ng pagkapikon ng Mega Star Sharon Cuneta sa isang netizen na nagkomentong sumipsip siya kay Coco Martin para makasama sa Batang Quiapo, ibinahagi ngayon ni Sharon ang kanyang hectic schedule dahil sunod-sunod ang kanyang mga projects sa loob at labas ng bansa.


Matatandaan na nagbigay ng reaction si Sharon Cuneta sa pag-amin nina Coco Martin at Julia Montes at isiniwalat ang kanyang tuwa dahil umamin na rin sa wakas ang dalawa na tinawag pa niyang mga anak.


Sina Coco Martin, Julia Montes at Sharon Cuneta ay nagkasama sa hit Kapamilya teleserye na Ang Probinsyano.


Subalit, tila nilagyan naman ito ng ibang kulay ng isang netizen at sinabing nakikisip-sip si Sharon sa actor-director.


Hindi naman ito pinalagpas ni Sharon at binarda ang netizens na napakabusy niya ngayon. Isiniwalat pa niyang hindi siya ang nagrepresenta na mapasama sa Ang Probinsyano kundi kinuha siya.


Samantala sa isang kamakailang Instagram post isiniwalat ni Sharon ang kanyang mga upcoming projects sa taong ito.


Ayon sa pagbabahagi ni Sharon Cuneta, punum-puno ang kanyang schedule ngayon at sobrang busy niya dahil may upcoming project siya sa Hollywood.


Ayon pa kay Sharon Cuneta, gagawa siya ng dalawang teleserye sa ABS-CBN para sa isang sikat na streaming platform, tatlong pelikula at mga Hollywood movies at series.


"What I have for all of you, my dearest Sharonians!


2 Teleseryes coming up! One with Tita Malou Santos’ group at ABS-CBN AND(insert Streaming Service here!), the other with Dreamscape, the people who brought you FPJ’s Ang Probinsyano."


"On the table: 3 Filipino movies, a Hollywood TV series, a Hollywood movie for cinematic release, another Hollywood series or TV movie. Details will come once these are confirmed! A new album of Odette Quesada songs, a Christmas album too!"


"Also, you might want to save up and prepare for a BIG Concert in MOA in October.I don’t think you would want to miss this!I love you all! God bless us!" pahayag ni Sharon.


Agad namang nagpahayag ng excitement ang mga fans ni Sharon Cuneta.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo