Sen. Bong Revilla, Under De Saya Nga Ba?

Miyerkules, Mayo 24, 2023

/ by Lovely


 Sa isang panayam kamakailan sa kanyang asawang aktres-politician na si Lani Mercado, sinagot ng aktor-politician na si Sen. Bong Revilla ang tanong na, kung siya ba ay “ander de saya”.


Matatandaan na sina Bong Revilla at Lani Mercado ang bumida sa pelikulang 'Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis' noong 1994. Sa pelikula, seloso na asawa ang role ni Lani habang ang karakter ni Bong ay isang taong natatakot o sunud-sunuran sa kanyang asawa.


Kaya naman sa kamakailang panayam, naitanong sa kanilang kung katulad ba sa karakter nila sa pelikula ang nangyayari sa kanilang relasyon.


“Ahhh, this is my life story,” saad ni Sen. Bong Revilla habang napapikit naman ang kanyang asawa.


“May hugot pala ‘tong show na ‘to?!” tanong ni Lani.


“Sumakit bigla yung ulo ko!” pabirong dagdag nito.


Ipinahayag naman ni Sen. Bong Revilla na masunurin naman si Lani at isang law abiding citizen. Parang kabaliktaran din umano ng kanilang karakter sa pelikula ang totoo nilang attitude sa kanilang pagsasama.


Ipinahayag din nila na may mga eksena sa pelikula nila na nangyayari rin sa kanilang totoong buhay.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo