Pokwang Tinawag Na Plastic Si Lee O'Brian Matapos Siyang Batiin Ng Happy Mother's Day

Lunes, Mayo 15, 2023

/ by Lovely


 Hindi nagpapahuli at naglabas rin ng kanyang mensahe ng pagbati ang dating kinakasamang foreigner ng aktres na si Pokwang nitong Mother's Day.


Sa Instagram post ni Lee O'Brian, binati niya ang lahat ng mga ina lalong lalo na ang kanyang ina, ina ng kanyang anak na si Pokwang at iba pang kaanak.


“Happiest of Mother’s Day to all the mothers out there – to my very own, to the mother of my child, to my aunts and cousins, friends, and all the women – who raise and nurture their children. We literally would not be here without you!! Thank you for what you do,” pagbati ni Lee O'Brian.


Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. Marami ang pumupuri kay Lee dahil sa pagbati pa rin nito kay Pokwang sa kabila ng pambabatikos nito sa kanya.


Subalit, iba naman naman ang naging pananaw ni Pokwang sa ginawang pagbati ni Lee O'Brian sa kanya. Para sa kanya isang kaplastikan ang pabati-bati nito.


Dagdag pa ni Pokwang, ginagamit pa rin umano siya ni Lee lalo pa't may ginagawa itong pelikula sa ngayon.


“Bigla may pa post ka ng happy mother’s day to the mother of my child? hahahahaa PLASTIC! mga nakaraan wala naman tse! porke my movie? mangga mangga hinog ka na ba? USE IN A SENTENCE? TAMA KANA ACCLA!” bwelta ni Pokwang.


Matatandaan na nag-umpisa ang pagpapalabas ni Pokwang sa mga baho ni Lee O'Brian ng malaman ng komedyante na mayroon na itong ibang babae.


Dito na ibinunyag na ni Pokwang ang mga naging problema nila ni Lee kasama na ang diumano’y hindi paggawa ng paraan ng kanyang dating partner para kumita ng pera at suportahan ang kanilang pamilya.


Isiniwalat pa ni Pokwang na noong dinala ni Lee si Malia sa Amerika ay sagot pa rin niya ang lahat ng gastos maging ang plane tickets.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo