Pinoy Boxer Kenneth Egano Puman@w Na, Matapos Magcollapse Sa Isang Ring Fight!

Huwebes, Mayo 11, 2023

/ by Lovely


Pumanaw na ang Pilipino boxer na si Kenneth Egano, ilang araw matapos mag-collapse sa gitna ng laban nila ni Jason Facularin.


Naganap ang boxing match nila sa Imus Sports Gymnasium sa Imus, Cavite noong May 6, 2023. Ang laban na ito ay sponsored at promoted ng Philippine boxing champ Manny Pacquiao.


Si Kenneth Egano ang itinanghal na nagwagi sa laban nila ni Jason Facularin via unanimous decision. Subalit hindi pa man natatapos ang pag-aanunsyo ng mga judges ay bigla na lamang nag-collapse si Kenneth.


Agad naman siyang dinaluhan ng mga medic at binigyan ng oxygen at isinakay sa stretcher at isinugod sa hospital.


Na-coma si Kenneth Egano ng apat na araw bago pumanaw sanhi ng brain hemorrhage.


Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pakikiramay mula sa mga fans at kaibigan ni Kenneth Egano. Maging ang Philippines' Games and Amusements Board ay nakibahagi rin sa pakikidalamhati sa pamilya ni Kenneth.


"Ang buong ahensya ng Games and Amusements Board (GAB) ay nagdadalamhati sa pagpanaw ng professional boxer na si Kenneth Egano. Kami po ay nakikiramay sa pamilya, mga kamag-anak at mga kaibigan ni Kenneth. “May his soul rest in peace.”


Si Kenneth Egano ay may record na 7 wins at 1 loss bago ang kanyang pagpanaw.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo