Pamamaalam ng Eat Bulaga, Kapareho Ng Petsa Sa Pagp4naw ni Pepsi Paloma

Miyerkules, Mayo 31, 2023

/ by Lovely


 Binulaga ng iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang lahat ng manonood ng Eat Bulaga nang isiniwalat nila ang pamamalaam nila sa TAPE Inc.


Umani naman ito ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at naging malaking katanungan kung ano na ang mangyayari sa Eat Bulaga dahil sa pag-alis ng TVJ sa Tape.


Gayunpaman, isang coincedence ang ibinahagi ng isang twitter user kung saan sinabi niyang ang pamamalaam ng TVJ ay katulad ng petsa ng pagpanaw ni Pepsi Paloma.


Si Pepsi Paloma o Delia DueƱas Smith sa totoong buhay, ay isang Filipino-American singer at artista sa Pilipinas. Isa siya sa mga sikat na Softdrinks Beauties na ipinakilala noong 1980s kasama sina Sarsi Emmanuelle at Coca Nicolas.


Matatandaan na inakusahan noon ni Pepsi Paloma sina Vic Sotto, Joey De Leon, at Richie D’Horsie sa panghahalay sa kanya kasama ang tatlo pang lalaki.


Nasangkot naman rito si Tito Sotto dahil ito ang naging abogado ng tatlo kung saan inaakusahan itong nanakot kay Pepsi para iurong ang kaso at makipag-areglo na lamang.


May mga ulat pa noon na hindi si Pepsi an pumirma ng affidavit kundi ang kanyang ina.


Natagpuan si Pepsi Paloma na wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay noong May 31, 1985. Isa sa mga itinuturong dahilan ng kanyang pagpapakamatay ay dahil sa panghahalay sa kanya.


Samantala naniniwala si Tito Sotto na inakusahan lang ni Pepsi sina Vic, Joey, at Richie para makakuha ng publicity.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo