Mga Kaibigan Ni Cristine Reyes Botong-Boto Kay Marco Gumabao!

Miyerkules, Mayo 3, 2023

/ by Lovely


 Tila wala namang humadlang sa mga malalapit na pamilya at kaibigan ni Christine Reyes sa kanyang pakikipagrelasyon sa mas bata kanya na si Marco Gumabao.


Ayon sa ilang malalapit na kaibigan ni Christine Reyes, deserve naman daw ng aktres ng lalaking may paninindigan.


Masaya din umano sila dahil pagkalipas ng ilang taong pagiging single mula nang mahiwalay sa asawang si Ali Khatibi ay nakatagpo na siya ng lalaking magmamahal sa kanya.


Hiling din nila na sana ay for good na ang relasyon ng dalawa.


“Deserve naman ni AA (palayaw ni Cristine) na sumaya after all ng nangyari sa marriage niya. Wala tayong narinig sa kanya simula nang mahiwalay siya sa asawa niya puro lang siya work nang work para mabigyan ng magandang buhay si Amarah."


“Boto naman ang lahat sa kanila ni Marco na matagal ding single kaya bagay sila at sana maging maayos ang relasyon nila. AA deserves a man na kaya siyang tindigan at maintindihan siya,” ang palitang pahayag ng dalawang taong naging malapit sa aktres."


Dagdag pa, “Noon kasi pabigla-biglang mag-isip si AA kapag gusto, gusto, pag ayaw-ayaw. Ngayon hindi na.”


Matatandaan na kamakailan lamang ay naging usapan sa social media ang pag-amin ng aktor na si Marco Gumabao sa relasyon nila ni Christine Reyes.


Agad itong umani ng positibong komento mula sa mga netizens subalit hindi rin napigil ang ilang mga bashers na ipahayag ang pagkadisgusto sa relasyon ng dalawa dala ng agwat nila sa edad.


May ilan pang binalikan ang dating interview ni Christine Reyes kung saan sinabi niyang totropahin lamang niya si Marco dahil napakabata pa nito at hindi siya cougar.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo