Manny Pacquiao Nagreak Sa Pagkamat@y Ni Kenneth Egano!

Huwebes, Mayo 11, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi na ng Pinoy Boxing Champ na si Manny Pacquaio ang kanyang saloobin hinggil sa pagkamatay ng isang boxer na si Kenneth Egano matapos magcollapse sa loob ng ring.


Noong May 6, 2023 nagkaroon ng 8 round match sina Kenneth Egano at Jason Facularin. Subalit, bago pa man mai-announce ang hatol ay bigla na lamang nagcollapse si Kenneth.


Agad naman itong binigyan ng oxygen at isinugod sa ospital. Na-coma ito ng apat na araw bago tuluyang pumanaw.


Samantala nagbigay na ng saloobin si Manny Pacquiao na siyang promoter ng labanan nina Kenneth at Jason.


Ayon kay Manny Pacquiao labis siyang nalulungkot at nakikiramay sa pamilyang naiwan ni Kenneth Egano. Ipinahayag pa niya ang risks na dala ng boxing sports kaya hindi umano ito dapat na basta isiping laro-laro lamang sapagkat nilalagay ng bawat manlalaro ang kanilang buhay para lamang sa boxing.


“There is nothing more precious than human life. Boxing is truly a dangerous sport and the boxers deserve nothing but respect as they put their lives on the line. Other sports you play, but you don’t play boxing,” pahayag ni Manny Pacquiao.


Nangangako pa si Manny Pacquiao na babayaran niya ang mga medical bills at tutulungan ang pamilyang naulila ni Kenneth Egano.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo