Magulang Ng Maguad Siblings Patuloy Pa Ring Hinahangad Ang Hustiya!

Martes, Mayo 9, 2023

/ by Lovely


 Marami ang nagtatanong kung kumusta na nga ba ang mga magulang ng Maguad sliblings na pinaslang ng mismong inampon nila.


Matatandaan na nagulantang ang lahat ng lumabas ang balita sa karumal-dumal na pagpaslang sa magkapatid na Maguad sa loob mismo ng kanilang tahanan.


Agad namang naaresto ang mga salarin, subalit dahil mga menor de edad pa ang mga ito ay nasa pangangalaga sila ngayon ng CSWDO.


Ayon kasi sa batas ng bansa, hindi maaring ikulong ang mga nagkasalang minor bagkus ay magkakaroon lamang ito ng counseling at mananatili sa pangangalaga ng DSWD hanggang sa kanilang pagtungtong sa legal age.


Sa kabilang banda, muli ay nagpahayag ng pagkadismaya ang ina ng Maguad siblings sa natatanggap na priviledge ng mga taong pumaslang sa kanyang mga anak.


Ipinahayag pa niyang na-enroll pa ang mga ito sa mudular program ng DepEd para sa mga marginalized students. Para kay Lovella, ina ng Maguad siblings, na napaka-unfair nito para sa kanila na hanggang ngayon ay naghahangad pa rin ng hustisya.


Isa pa sa inirereklamo nito ay ang pag-recomend ng CSWDO ng extension of suspended sentence sa mga salarin.


"Sino po ba dapat ang maka avail ng alternative delivery mode di ba mga marginalized students? Bakit DEPED kasali o ma consider ba na marginalized student ang kriminal at may pending sentence na sa court?"


"Masakit sobrang sakit ang manifestation letter ng CSWD Kidapawan at decision ng court. The CSWD recommended for the extension of his suspended sentence until he reaches 19 was approved by the court."


Napakasakit nito para kina Lovella dahil binihisan, pinakain at pinaaral pa nila noon ang may gawa ng nakakahindik na krimen sa kanilang anak.


Nauna rito, ipinahayag noon ni Lovella ang kanyang pagkadismaya sa hatol ng korte at pagbibigay diin na mga menor de edad pa ang mga salarin.


Hindi ito matanggap ni Lovella dahil mga menor de edad rin naman ang pinaslang ng mga ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo