Magsisimula Na!!! the Voice Generations Philippines Sa Gma-7 Kapuso Network!

Miyerkules, Mayo 10, 2023

/ by Jerome

 


Ang kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang siyang napiling maging main host sa malapit ng magsimulang singing competition na The Voice Generations Philippines.


Kumpirmado na ang pagsisimula ng The Voice Generations Philippines sa GMA kapuso network.


Nag-simula na kasi itong magpa-audition online sa mga nagnanais na sumali.


Sa mga gustong mag-audition ay kailangan na mayroon limang taon na magkarelasyon o connection sa isa't-isa.


Maaaring duo o higit pang miyembro, at mula eded pito pa taas ang kailangan upang makasali dito. Ito ay ayon kay kapuso primetime king Dingdong Dantes na siyang main host ng nasabing singing competition.


Dito ay magsasama-sama at magtatagisan ng galing sa pag-awit ang mga kalahok mula sa iba't-ibang henerasyon.


Sa ngayon ay wala pang inilabas na nakatakdang petsa kung kailan ba talaga magsisimula ang The Voice Generation Philippines.


Kaya naman excited na ang karamihan sa mga netizen na nag-aabang kung kailan magaganap ang nasabing competition.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo