Lotlot Nahirapang Gawin Ang D3ath Scene Sa ‘Feng Shui’!

Miyerkules, Mayo 3, 2023

/ by Lovely


 Isa sa mga tumatak na eksena sa pelikulang Feng Shui na piangbibidahan noon nina Kris Aquino, Jay Manalo, Mon Confiado at Lotlot de Leon ang pagkamatay ng huli sa isang eksena.


Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Lotlot kamakailan, nabanggit niya na wala siyang ka-double bilang Alice sa death scene niya sa naturang 2004 hit horror film na idinirek ni Chito Roño.


Kabilang kasi sa mga natanong ni Tito Boy Abunda, kung anong ginampanan niyang role na labis siyang nahirapan.


“I think siguro po yung sa Feng Shui, kasi hindi ko po ine-expect na ako ‘yung patatalunin ni Direk Chito sa bintana,” pagbabalik tanaw ni Lotlot De Leon. 


Dagdag pa ng aktres, talagang sinabihan siya ng award-winning director na gawin ang nasabing eksena kung saan kailangan niyang tumalon sa bintana at ang babagsakan niya ay patung-patong na case ng Red Horse beer.


“May double ako, so I was expecting na ‘yung double ko ang gagawa nu’ng mga eksena na mabibigat kagaya nung pagsampa sa bintana, at pagkalaglag sa bintana.


“So I was happily watching Direk Chito explain to Kuya Archie Adamos and to my double ‘yung stunts, so tuwang-tuwa ako sabi ko, ‘Ang ganda, ang galing galing naman,’ sabi ni Direk Chito, ‘Lot, nakita mo ‘yon?, ‘Opo, ang galing-galing,’ sabi niya, ‘Gawin mo.’


Nagulat naman siya sa ipinapagawa sa kanya ng direktor subalit ginawa pa rin niya sa huli.


“But when that happened, Tito Boy, I knew I was in safe hands because everyone in the set is really taking care of me."


“Kasi lahat po ng mga eksenang pinagawa sa akin talagang ako po talaga lahat ‘yun, hindi ko rin po akalain na kaya ko rin palang maging stuntwoman.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo