Lolit Solis Muling Nagreact Sa Naging Pahayag Ni Liza Soberano Tungkol Sa Loveteams Ng Pilipinas!

Lunes, Mayo 1, 2023

/ by Lovely


 Agad na nagreact ang veteran showbiz columnist na si Manay Lolit Solis ang kanyang reaction sa naging pahayag kamakailan ng aktres na si Liza Soberano tungkol sa loveteam culture ng Pilipinas sa showbiz industry.


Ipinahayag ng Fil-Am actress na si Liza Soberano sa podcast ng Korean Star Ashley Choi at American Rapper na si Peniel ang kanyang saloobin sa pagkakaroon ng love team sa Pilipinas.


Ayon kay Liza Soberano ang pagkakaroon ng loveteams sa showbiz industry ng Pilipinas ay nagsimula pa noong 1980's or 1970's.


“It’s been going on in the Philippines for a long time since like in the 80’s (or) 70’s and in the Philippines, the only way to become big star really, if you’re not a singer is to become a love team.”


Hindi naman ito nagustuhan ni Manay Lolit Solis at sinabing tila sinisira ni Liza Soberano ang magandang image at career niyang nasimulan dito sa Pilipinas.


“Talagang ayaw huminto ni Liza Soberano sa self-destruction na ginagawa niya, Salve. Ngayon naman parang know it all na alam niya ang issue tungkol sa loveteam.”


“Sayang ang maganda niyang career na sinimulan sa Pilipinas na parang sinira niya dahil lang sa Hollywood dream niya,” prangkang pahayag ni Lolit Solis.


Dagdag pa ni Manay Lolit Solis na sana'y manahimik na lamang si Liza Soberano upang makaiwas sa mga isyung nakakasira sa kanyang image at career.


“Basta lang mag try siya at sana biglain na lang ang lahat pag nagkaroon siya ng Hollywood project. Hindi gaya ngayon na naging nega siya dahil sa mga sinasabi niya…”


“Mahirap talaga pag ganyan para bang alam mo ang lahat, wala ka pang napapatunayan pero ang yabang mo ng magbigay ng komento.”


Sa huli hiniling ni Manay Lolit Solis ang tagumpay ni Liza Soberano sa Hollywood sa kabila ng pagkabigo ng mga naunang sumubok rito.


"Hindi si Liza lang ang sumubok mag Hollywood dream, marami na at lahat nabigo. Sana para maiba, magtagumpay si Liza Soberano, at maging successful ang tunay niyang pangalan na HOPE, hoping for the best."


Matatandaan na naunang binatikos si Liza Soberano sa kanyang inilabas na vlog kung saan kinumpara niya ang kanyang sarili sa isang bulaklak na parang ginawa lamang palamuti.


Inilabas din niya ang kanyang pagkadismaya na nakahon lamang siya sa iisang loveteam. Hindi rin umano siya nabibigyan ng pagkakataon na ilabas ang kanyang mga insights sa mga proyektong kinabibilangan niya.


Hindi naman ito nagustuhan ng dati niyang manager na si Ogie Diaz at maging ng ilang mga kolumnista.


May ilan din sa mga LizQuen fans na tuluyang tinalikuran ang aktres.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo