Liza Soberano Hindi Nagpaabot Ng Pakikiramay Kay Ogie Diaz!

Lunes, Mayo 1, 2023

/ by Lovely


 Agad na sinagot ng talent manager na si Ogie Diaz ang katanungan ng ilang mga netizens kung nagpaabot ba ng pakikiramay sa kanya ang dating alaga na si Liza Soberano, sa pagpanaw ng kanyang ina.


Ang ina ni Ogie Diaz na si Aling Mameng ay pumanaw na kamakailanlamang sa edad na 87. Kinumpirma ito mismo ng talent manager noong April 23.


Wala rin umano siyang pagsisisi sa nangyari sa kanyang ina dahil nagawa naman umano niya ang lahat para rito.


“Higit sa lahat, I’m proud to say na naibigay ko naman sa nanay ko ang lahat ng pangarap niya sa buhay.”


Ibinahagi pa ni Ogie Diaz ang ilang detalye ng burol ng kanyang ina.


Samantala, naitanong naman ng ilan kung nagpaabot na ba ng mensahe ng pakikiramay si Liza Soberano, na dati niyang alaga.


Sinagot naman ito ni Ogie Diaz sa kanyang ibinahaging video at sinabing hindi siya nakatanggap ng anumang mensahe mula kay Liza Soberano at sa nobyo nitong si Enrique Gil.


Gayunpaman, ipinahayag naman ni Ogie Diaz na ayos lamang sa kanya sakaling hindi makaalala si Liza Soberano.


“Di natin alam baka magpaabot naman si Liza. So far, wala akong natatanggap na viber or text kay Liza. Malay naman natin umabot hanggang Friday. Pero okay lang naman. Kung sino lang yung makakaalala.”


Matatadaan na tila nagkaroon ng tila hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Ogie Diaz at Liza Soberano, matapos inalmahan ni Ogie ang naging pahayag ni Liza Soberano sa kanyang vlog.


Naging sunod-sunod na ang tila sagutan ng mga ito sa social media.


Gayunpaman, nilinaw ni Ogie Diaz na hindi naman siya nagalit sa dating alaga at naghihintay lamang na kuntakin siya nitong muli.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo