Joey De Leon, Ipinahayag Na Hindi Pa Sila Magsa-Sign Off

Miyerkules, Mayo 31, 2023

/ by Lovely


 Ipinunto ng Henyo Master na si Joey De Leon na hindi pa rin magtatapos ang Eat Bulaga sa kabila ng kanilang binitiwang pahayag. Nitong myerkules, May 31, 2023 isiniwalat ng TVJ na tuluyan na nilang iniwan ang TAPE Inc.


Matapos ang ilang buwang espekulasyon tungkol sa mga posibleng mangyari sa longest-running noontime show, sa wakas nagbigay na ng official statement ang TVJ.


Sa kamakailang episode ng Eat Bulaga, ipinakita ang isang replay at sa huli nagbigay ng pahayag ang TVJ.


Ipinahayag nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon ang kani-kanilang closing spiel. Nagpasalamat sila sa lahat ng tumulong sa kanilang journey, lalo na sa mga Dabarkads. Isiniwalat naman ni Vic Sotto ang kanilang pamamaalam sa TAPE Inc., ang production company sa likod ng noontime show na pagmamay-ari ni Romy Jalosjos.


Matatandaan na mayroon hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga anak ni Romy Jalosjos na siyang namumuno ngayon sa TAPE Inc. at ng TVJ. May ilan umanong mga segment ng show na nais nilang alisin dahil naboboringan sila.


Hindi naman pumayag ang TVJ sa nais ng mga Jalosjos.


Samantala marami naman ang nalungkot dahil tila mawawala na sa ere ang Eat Bulaga na nakasama ng mga dabarkads sa tuwing tanghalian.


Kaya naman naglabas na ng pahayag si Joey De Leon at nilinaw na hindi pag nag-sign off ang Eat Bulaga bagkus ay nag-day off lamang.


"We’re not signing off … we are just taking a day off!"


Samantala, narito naman ang ilang mga saloobin ng mga viewers ng Eat Bulaga.


"kakapit kami sa sinabi mo dati, hanggat may bata may #EatBulaga kaya Pinas wag kayong mahiya magpadami "


"TV viewing will never be the same without you guys. Please be back! Kayo na lang ang constant sa television-viewing ngayon. Wag nyo naman iwan mga tagahanga nyo na sabay sabay na tumanda sa panonood ng Eat Bulaga."


"our lunch time is not complete with out Eat Bulaga"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo