Jimmy Santos, Isa Sa Mga ‘Nangalakal’ Sa Canada

Huwebes, Mayo 25, 2023

/ by Lovely

Ibinahagi ng batikang aktor at dating host ng Eat Bulaga na si Jimmy Santos kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon habang nasa Canada.


Sa kamakailang vlog na ibinahagi ni Jimmy Santos sa kanyang Youtube channel, ipinakita niya ang kanyang pangangalakal ng mga lata, karton at plastik.


Ayon kay Jimmy, hindi katulad dito sa Pilipinas, may batas ang Canada sa pagrerecycle ng mga karton, lata at plastik. Obligado din umano ang mga mamamayan roon na isauli ang kanilang binibiling mga produkto upang mairecycle.


Ayon kay Jimmy, may deposit na sampung sentimo kada lata ang mga binibili sa grocery at naibabalik lang daw ito kapag nagpupunta sila sa nabanggit na “bottle depot” para isauli ang mga lata. Isiniwalat din niyang hindi per kilo ang bilihan doon kundi per pieces.


“Ako po ay nandito sa tinatawag nilang ‘South Pointe Bottle Depot.’ Ang ibig sabihin niyan, magbebenta ng mga lata rito, ‘yung mga pinaglalagyan ng mga tubig, softdrinks ay talaga namang dinedeposito dito at binebenta nila,” pahayag ni Jimmy.


Isiniwalat pa ni Jimmy na umabot sa $15 ang kanyang kita mula sa pagbibenta ng mga kalakal o nasa 600 pesos.


Ipinahayag din ni Jimmy ang dahilan ng kanyang pagbabahagi ng sistema ng Canada pagdating sa pagrerecycle dahil hangad niyang pamaresan ito ng ibang bansa.


“Malaking bagay ‘yan kaya ito po ay ibinahagi at ipinakita ko sa inyo ang sistema ng mga nagbebenta ng bote dito,” saad ni Jimmy.


“Maganda, masaya at kunswelo dahil nakakatulong sa pagre-recycle ang mga ibinenta nating bote, karton, at ‘yung mga nabubulok po na ginagawang fertilizer.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo