Jane De Leon Gustong Maging Leading Men Sina John Lloyd Cruz At Alden Richards!

Lunes, Mayo 1, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Jane de Leon ang tungkol sa kanyang mga magiging proyekto sa hinaharap. 


Ipinahayag din niya ang kanyang kagustuhan na sana ay makakasama niya sa iisang projects ang Kapuso stars na sina John Lloyd Cruz at Alden Richards.


Matatandaan na sumikat si Jane De Leon sa kanyang pagganap bilang Darna. Ito rin ang kauna-unahang teleserye na siya ang gumanap ng lead role.


Matapos ang matagumpay niyang teleserye nagbakasyon muna ang aktres. Samantala, tila handa na muli ang aktres na sumabak sa ibang panibagong roles.


Isiniwalat niyang may gagawin siyang movie ngayong taon.


Samantala, naitanong naman sa aktres, kung sino ang nais niyang makasamang male leading men mula sa kabilang network, GMA. Lalo na't naging open na ang dalawang networks sa paggawa ng mga collaboration movies.


“John Lloyd Cruz I want to work with kuya Lloyd and Alden Richards, I want to work with Alden. Marami, kahit sino open ako kahit girls open ako,” sagot ni Jane De Leon.


Sa kabila nito, nilinaw ni Jane De Leon na nasa ABS-CBN pa rin ang kanyang loyalty.


Isiniwalat pa niyang kabi-kabila ang natatanggap niyang offers mula sa iba't-ibang networks subalit nananatili pa rin siyang Kapamilya.


Ipinunto pa ni Jane De Leon na wala na siyang hahanapin pa mula sa kanyang home network dahil tama naman ang pag-aalaga nito sa kanilang mga talents.


“I know na hindi naman lahat talaga, let’s be honest, nabibigyan ng mga project but I know that binibigay nila ‘yung best nila para mabigyan lahat ng mga artist ng opportunities and projects,” saad ni Jane.


“Hindi sila maramot sa mga project. And yes open sila sa collaboration or may mga project sa labas basta importante sa kanila magkaroon ng trabaho ‘yung mga alaga nila,” pagpupunto pa ng aktres.


Si Jane Florence Benitez De Leon mas kilala bilang Jane De Leon ay isang Filipino actress, singer, model, at dancer. Dati siyang myembro ng noontime show dance group na Girltrends.


Sumikat siya sa kanyang matagumpay na pagganap sa iconic role ng Pinoy Superhero na si Darna.


Subalit bago pa niya naabot ang katanyagan naunang hinarap ni Jane De Leon ang pambabatikos ng mga nagsasabing hindi siya nababagay sa role na Darna.


Makailang ulit din siyang sinabihang malamya at walang kaapeal-appeal. Gayunpaman, matapang na hinarap ni Jane De Leon ang lahat at pinatunayang siya na at nararapat din siyang maging Darna.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo