It's Showtime Maaring Malipat Sa Panggabing Slot Para Bigyang Daan Ang Eat Bulaga!

Martes, Mayo 2, 2023

/ by Lovely


 Naging usap-usapan sa social media ang isiniwalat kamakailan ni Manay Cristy Fermin tungkol sa noontime show na It's Showtime.


Ayon kay Manay Cristy Fermin, may posibilidad na ililipat sa panggabing timeslot ang It's Showtime kung sakaling matuloy ang pagsasanib-puwersa ng dalawang malalaking network para kunin ang TVJ o sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at ang longest running show na Eat Bulaga.


“Putok na putok na po ang kuwento na mayroong dalawang malalaking network na magsasanib-puwersa para kunin ang Tito, Vic and Joey, at magbuo ng isang programang Eat Bulaga pa rin,” pagsisiwalat ni Manay Cristy Fermin sa kamakailang episode ng Showbiz Now Na.


“Ang kuwento ng aking source — hindi ko lang alam kung ‘yun pa rin ang existing ngayon — ang kuwento ng aking source, kung papasok ang Tito, Vic and Joey dito sa magkakasanib-puwersang istasyon, may masasagasaan… oras.


“Ang plano yata ng mga network na magha-handle sa kanila kung matutuloy po ito… sila Tito, Vic at Joey ang nasa gitna siyempre. ‘Yun daw pong dadatnan na isang programa, iuurong daw po panggabi,” pagdedetalye pa ni Manay Cristy Fermin.


Matatandaan na inamin ni Tito Sotto ang posibilidad na lilipat sa ibang network ang Eat Bulaga sakaling hindi magtatapos ng maayos ang pakikipagusap nila sa GMA network.


Agad naman nagpakita ng interes ang ilang mga TV network kabilang na si Manny Pangilinan na siyang may-ari ng TV5. Gusto umano ni Manny na ipalabas sa TV5 ang Eat Bulaga kasama ng noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime.


Maging ang Net25 ay nagpakita rin ng interes na bigyan ng timeslot ang Eat Bulaga.


Samantala, kamakailan lamang, labis ang nadaramang kasiyahan ng mga madlang pipol at hosts ng It's Showtime matapos bilang maibalik sa 12 noon timeslot.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo