Hindi nagpatalo ang ex ni Cristine at may ipinakita. Siya Pala Ang Ipinalit Ni Ali Khatibi Kay Cristine Reyes!

Lunes, Mayo 1, 2023

/ by Jerome

 


Social media influencer na si Xian Gaza o si Christian Albert Gaza, ay may bagong pasabog sa social media.


Ito ay tungkol sa dating asawa ng actress na si Cristine Reyes na si Ali Khatibi.


Una na nga rito ay ang pagbabahagi ni Xian ng larawan ng ex-husband ni Cristine kasama ang bago nitong girlfriend na siyang ipinalit kay Cristine.


Pagbabahagi ni Xian na, tatlong araw daw matapos na aminin nina Marco at Cristine sa publiko ang kanilang totoong relasyon ay sabay naman daw na nagpatattoo, ang ex-husband ni Cristine kasama ang bago nitong girlfriend.


Ito ay bilang ganti daw sa dalawa, upang hindi daw ito lumabas na kaawa-awa sa paningin ng tao.


Ibinunyag din niya na nakakulimbat ng milyones itong ex ni Cristine noong maghiwalay sila, at may tatlong anak na din daw itong ex ni Cristine, sa iba't-ibang babae kabilang na nga ang anak nito kay Cristine.


Na pare-pareho daw nitong hindi sinusuportahan, ang panganay daw nito 20 years old na na nasa US, na hindi nito sinuportahan mula ng ipinanganak.


Pagbabahagi ni Xian, "So eto na nga ang chesmes mga Mars! Three days after mag-out ni Cristine Reyes at Marco Gumabao, ang ex-husband (na kumita ng milyones sa annulment at may tatlong panganay na hindi sinusustentuhan) ay may pa-couple tattoo with her present girlfriend! Hahaha! Ang sweat nemen! Sene ell!"


"Ang analysis ng Mosang Supreme Council of the Philippines (MSCP) — isa lamang itong defense mechanism upang hindi maapakan ang kanyang ego at hindi siya tawaging loser dahil 'di hamak na mas pogi ang ipinalit sa kanya na si Baby Marco!"


"Ang nasabing 3-time world champion sa hindi pagsusustento ay mayroong 20 years old na anak sa Estados Unidos na hindi niya sinuportahan mula pagkapanganak."


Samantala, ngayon nga ay nakita na sa publiko ang mukha ng bagong girlfriend ng ex-husband ni Cristine ay hindi naman maiwasan ang hindi ikumpara ang dalawa, kung sino ba daw sa kanila ang masmaganda.


Karamihan naman sa mga nagkomento ay nagsasabi na masmaganda parin naman daw si Cristine kaysa sa ipinalit sa kanya.


Meron naman din namang nagsasabi na kahit sino pa ang maganda sa kanila, ang mahalaga ay pareho na silang masaya ngayon sa piling ng kanilang mga bagong pag-ibig.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo