Ganito Na Pala Ang Kondisyon Ngayon Ng Beteranang Aktres Na Si Gloria Romero!...

Huwebes, Mayo 11, 2023

/ by Jerome

 


Maraming mga netizens na at mga tagahanga ng beteranang aktres na si Gloria Romero, ang nagtatanong kung bakit bigla na lamang huminto sa showbiz ang beteranang aktres.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon ay nagkaroon ito ng problema sa kanyang kalusogan, noong bago paman mag pandemya.


Kaya kinailangan niyang lumiban muna sa pag-arte ng ilang buwan, upang magpagaling at makapagpahingi na rin.


Kaya naman iniwan niya muna ang sarili niyang show na "Daig Kayo ng Lola Ko" kung saan ang humalili naman sa kanya ay ang beterana ding aktres na si Nova Villa.


Ayon sa report ay may sakit pala na Vertigo ang aktres na si Gloria Romero.


Madalas umano siyang mahilo, ganito kasi ang mga kadalasang nangyayari pagmaysakit ka na Vertigo, at nararamdaman nila na tila umiikot ang kanilang paligid.


Kaya naman sa edad niya ngayon na 89 ay delikado na ito para sa kanya, lalo na kung hindi siya lubosang mababantayan.


Para sa kaalaman ng lahat, "Ang Vertigo ay isang sintomas, sa halip na isang kundisyon mismo. Ito ay ang sensasyon na ikaw, o ang kapaligiran sa paligid mo, ay gumagalaw o umiikot."


"Ang pakiramdam na ito ay maaaring halos hindi napapansin, o maaaring ito ay napakalubha na nahihirapan kang panatilihin ang iyong balanse at gawin ang mga pang-araw-araw na gawain."


Ayon pa sa ibang paliwanag, na nagsisimula pala ang kondisyon ng vertigo sa loob ng taenga. Nawawala ang pandinig, nahihilo, nasusuka, at lumalala ito kung ang maysakit ay dumaranas ng stress at anxiety.


Nakaranas daw kasi ang aktress ng matinding vertigo kaya pinayohan siyang tumigil muna sa pagti-taping, halos apat na buwan din siyang nagpahinga sa pag arte.


Nang maka balik naman siya sa pag-arte ay hindi rin ito nagtagal dahil sa pandimya na dulot ng covid-19.


Mula noon ay lumiban na siya sa pagarte, at paminsanminsan ay na iimbetahan din siya sa nasabing programa.


Kung matatandaan noong ika 5th anniversary ng Daig Kayo Ng Lola ko ay hiniling ng produksyon ang appearance ng aktres kahit sandali lang.


Dahil na mimiss na daw umano ito ng mga manonood na sumusubaybay sa nasabing show.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo