Enrique Gil, Ina-under De Saya Ni Liza Soberano?

Miyerkules, Mayo 10, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang naging laman ng usapan nina Manay Cristy Fermin sa kanilang Showbiz Now Na vlog ang tungkol sa celebrity couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil.


Muling pinuna ni Manay Cristy Fermin ang 'pagtrato' di umano ni Liza sa kanyang boyfriend na si Enrique Gil, ngayong tinutupad na niya ang kanyang pangarap sa Hollywood.


Maging ang pananahimik ni Enrique Gil sa mga isyung kinasangkutan ni Liza Soberano ay pinuna rin ni Manay Cristy Fermin.


May ilan ding komento umanong naririnig ngayon si Manay Cristy na talagang ginawa lamang tau-tauhan ni Liza si Quen.


“Wala eh. Kahit na anong negatibo na dapat, na alam naman natin na sila pa rin, na sana sumesegunda naman siya… kung negative gawin niya sanang positive,” komento ni Romel Chika.


“Or pinapayuhan niya sana ‘yung girlfriend niya. Aba’y kahit nga po sa isyu ng love team culture kung napansin n’yo po, ni hindi nga siya binabanggit ni Liza,” segunda pa ni Manay Cristy Fermin.


Pinayuhan din ni Manay Cristy Fermin ang talent manager ngayon na Enrique at sinabihang papagsalitain na ito sa isyu ng nobya.


“Kaya ang tao sabi, ‘Tau-tauhan lang ‘to. Ano ba naman ‘yan, ander-ander’,” saad pa ni Manay Cristy Fermin.


Nauna nang naiulat ang pagkadismaya ni Manay Cristy Fermin sa ginawa nina Liza Soberano at Enrique kay Ogie  Diaz.


Hindi man lamang umano nag-paabot kahit mensahe man lang ng pakikiramay ang dalawa.


Nagpapakita lamang umano ito ng kawalang utang na loob gayung malaki ang naitulong ni Ogie Diaz sa pagsikat nilang dalawa sa larangan ng showbiz.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo