Eat Bulaga Nagkaroon Na Ng Secret Meeting Para Sa Posibleng Paglipat Nila sa Ibang Network

Huwebes, Mayo 25, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat sa kamakailang episode ng Showbiz Now Na nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang pagsasagawa umano ng 'secret meeting' ng mga host sa longest running TV show na Eat Bulaga para mapag-usapan ang posibleng paglipat nila sa ibang network.


Tila hindi pa rin natatapos ang internal conflict sa pagitan ng Eat Bulaga at nang TAPE Inc. Sa naganap na meeting, nilinaw nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon kung sino sa kasama nilang hosts ang sasama sa kanila sakaling lulundag na sila sa ibang network.


Matapos ang secret meeting, napagdesisyunan ng lahat ng hosts na sasama sila sa TVJ.


Matatandaang bukod sa planong force retirement ng ilang production member ng Eat Bulaga, ibinunyag din ni Tito Sotto na ilang buwang hindi nakatanggap ng talent fee ang ilang hosts kabilang sina Vic Sotto at Joey De Leon.


Dahil sa mga problemang bumabalot sa Eat Bulaga, hindi naman nagpapahuli ang ilang producers mula sa ibang network ang once-in-a-lifetime opportunity para kumbinsihin ang TVJ na lumipat sa kanila.


Matatandaang nauna nang isiniwalat ni Vic Sotto na may dalawang networks na ang nakikiusap sa kanila.


“That’s possible. As a matter of fact, I have no problem saying that we’re getting offers from two other stations.” 


Samantala, hindi pa naman tukoy kung ano ang binabalak ng mga Jalosjos sakaling iiwan na sila ng TVJ at Eat Bulaga.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo