Cristy Fermin Pinalagan Ang Mga Bashers Ni Kc Concepcion Na Tinawag Na Mukhang Nanay Kc!

Lunes, Mayo 1, 2023

/ by Jerome

 


Cristy Fermin pinalagan ang mga nang iinsulto sa pangangatawan ngayon ng actress na si Kc Concepcion.


Ito ay matapos na sabihan si Kc ng mga netizens na hindi puwedeng maging Viva Max artist itong si Kc.


Pero wala naman itong kabuluhan dahil hindi naman daw ito tatanggapin ni Kc kung alokin man siya na maging isang sexy star dahil hindi naman daw niya ito kaylangan.


Kaya naman hindi na nga nakapag pigil itong si Cristy Fermin at tinira na nga niya ang mga nanlalait kay Kc Concepcion, sa pamamagitan ng kanyang programang showbiz now na ay ibinahagi niya, ang tungkol sa hindi magandang ginawa ng mga basher kay Kc.


Na sabi nga niya ay nakakasakit na sila ng damdamin ng tao, at dito nga ay ipinag tanggol ni Cristy Fermin si Kc laban sa mga nambabatikos sa kanya ngayon.


Ayon nga kay Cristy Fermin, "Yes may kalakihan nga ang pangangatawan ni Kc pero hindi maipagkakaila na isa si Kc sa may pinakamagandang mukha sa showbiz."


Dagdag pa niya, "Maykalakihan siya, Oo, maykalaparan, pero dapat ba namang tawagin siyang mukhang nanay?"


"Eh napakagandang nanay naman po nito, hindi naman po siya puwedeng pumayat na puwedeng pang Viva Max, dahil big bone po sila."


"Malaki ang buto nila kaya hindi talaga papayat ng hosto, isa pa may roon siyang PCOS."


Kung matatandaan ay ibinunyag nga kamakailan ni Kc Concepcion sa publiko na may roon siyang PCOS o Polycystic ovary syndrome na kung saan nga ay nakakataba ng katawan.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo