Coco Martin Tinatawag Ngayong Groomer Dahil Sa Pagpat0l Kay Julia Montes

Miyerkules, Mayo 24, 2023

/ by Lovely


 Umaani ngayon ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang pag-amin ng celebrity couple na sina Coco Martin at Julia Montes na 12 years na silang nagsasama.


Hindi naman ang pagkakaroon ng dalawa ng romantic relationship ang siyang ikinagulat ng publiko dahil hindi naman na bago ang pagkakalink nilang dalawa sa isa't-isa.


Ang ikinagulat ng lahat ay ang pag-amin nilang 12 years na ang itinagal ng kanilang pagsasama. Sa ngayon kasi ay 28 years old na si Julia habang 41 years old naman si Coco.


Kaya naman kung nagsasama sila ng 12 years ibig sabihin ay 16 years old pa lamang si Julia Montes ay nagsasama na sila ng actor-director na 29 years old naman sa mga panahong iyon.


“Napakasarap ng pakiramdam namin kasi eto, 12 years na kaming magkasama pero pareho pa rin ng gaya ng dati,” lahad ng aktor.


“Nilo-look forward namin ‘pag may project na magkasama kami and then pag may pagkakataon, nakakalabas kami, nakikita kami ng mga tao, pero name-maintain namin ‘yung privacy sa buhay namin,” pag-amin ni Coco Martin.


Samantala, may mga tumatawag ngayon kay Coco Martin na isang groomer dahil sa pagpatol umano niya kay Julia Montes noong 16 years old pa lamang ito.


“Julia is 28 years old. Coco Martin is 41 years old. They have been in a relationship for 12 years now. 12 years ago, Julia is 16 years old. Coco was 29. Is Coco a groomer?”


“the named coco martin alongside the word groomer should be on top trend list.”


“Kung 12 years ng magkarelasyon si Julia Montes at Coco Martin then he is a GROOMER. Julia was 16 in 2011. Nakakakilabot that people see this as romantic.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo