Catriona Gray May Sweet Birthday Message Sa Kanyang Future Mister na si Sam Milby

Martes, Mayo 23, 2023

/ by Lovely


 Nagpahayag ng isang sweet message si Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa ika-39 birthday ng kanyang soon to be husband na si Sam Milby.


Ayon sa Instagram post na ibinahagi kamakailan ni Catriona Gray, ipinahayag niyang tila hindi man lang nadadagdagan ang edad ni Sam Milby.


“Another year older, but you seem to be getting younger?! I know you hate celebrating your birthday, but I love celebrating you. Happiest birthday @samuelmilby I love you so much!,” pahayag ni Catriona Gray sa caption ng kanyang Instagram post.


Labis namang kinilig ang kanilang mga tagahanga sa napakasweet message ni Catriona para kay Sam Milby. Bumuhos rin ang mga mensahe ng pagbati para sa aktor mula sa kanilang mga fans at maging sa mga kasamahan nila sa industriya.


Matatandaang noong February 2023 pumutok ang balitang engage na sina Sam Milby at Cariona Gray ng ibahagi ni Catriona ang larawan ng mga cup nila na may nakasulat na future Mrs. Milby at soon to be husband.


Sa isang vlog ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo kasama si Catriona, ay nagbigay na ito ng ilang detalye sa kasalan nila na maaring sa susunod na taon pa magaganap.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo