Awit Gamer Handang Tumulong Kay Xander Ford Sa Paniningil Kay Christian Merck Grey

Martes, Mayo 16, 2023

/ by Lovely


 Tila nakahanap na ng kakampi ang social media personality na si Xander Ford sa katauhan ng isang gaming video creator na si AwitGamer.


Ayon sa videong ibinahagi ni  Xander Ford, pinapupunta siya ni AwitGamer sa kanilang tahanan upang magpag-uusapan kung paano nila sisingilin si Christian Merck Grey.


Matatandaan na nauna nang isiniwalat ni Xander Ford ang hindi pagtupad ni Christian Merck sa ipinangako nitong pera bilang pakimkim sa pagnininong nito sa kanyang anak na si Baby Xeres.


Ilang beses na ring nanawagan si Xander Ford kay Christian Merck na ibigay na sa kanila ang ipinangakong halaga dahil marami silang utang na babayaran dahil sa magarbong binyagan na naganap.


Pakiramdam umano ni Xander Ford na niloko sila at pinaasa lamang ni Christian Merck kaya hiling niya na ibigay na nito ang sinisingil nilang 349 thousand pesos na para naman umano sa kanila.


Tila nasagot naman kahilingan ni Xander nang magmessage sa kanya si AwitGamer at sinabing tutulungan siya sa paniningil kay Christian Merck Grey.


Matatandaan na mayroong hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina AwitGamer at Christian Merck Grey na kilala rin bilang si MakaGwapo. Kaya tinutulungan nito si Xander Ford sa paniningil pakimkim kay Christian.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo