Angillyn Gorens Dumipensa Sa Kanyang Kapatid Laban Kay Sachzna Laparan

Huwebes, Mayo 18, 2023

/ by Lovely


  Agad na dumipensa si Angillyn Gorens, kapatid ni Veybillyn Gorens, laban sa mga masasakit na pahayag ni Sachzna Laparan.


Kamakailan lamang ay nagkasagutan sa social media sina Sachzna Laparan at Veybillyn Gorens kasunod ng panlalandi umano ni Sachzna sa kinakasama ni Veybillyn na si Jomar.


Ayon kay Angillyn, napaka insensitive umano ni Sachzna. Hindi man lang umano ito humingi ng pasensya sa kanyang kapatit gayung magkasalanan ito.


Kinukundina ni Angillyn ang reaksyon at pagpatol ni Sachzna sa mga post ng kanyang kapatid na alam naman umano ng lahat na kakapanganak pa lamang.


Hiniling pa ni Angillyn, na sana ay hindi mangyari sa kanya ang postpartum depression kapag siya naman ang maging isang nanay.


"The fact that she’s wrong but she’s the one who won’t back down and apologize lol. I petty her and her whole soul. Hopefully when she becomes a mom karma won’t bite her in the as* and experience “postpartum depression” Tawa ka now iiyak ka later," pahayag ni Angillyn.


Si Angillyn Gorens ay isang actress. Nakasama siya sa ilang program ng GMA7 partikular na sa Magpakailanman, Celebrity Bluff at Dear Uge.


Nagkaroon sila ng relasyon ng aktor na si Buboy Villar subalit naghiwalay din matapos ang apat na taon.


Si Sachzna Laparan ay isang actress, model at social media influencer. Siya ay isa sa kilalang mga vlogger sa bansa na may mahigit dalawang milyong subscribers. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Love Life (2019), Happy Breakup (2017) and Nothing But the Bests! (2017).



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo