Vice Ganda Sinabunutan Habang Nasa Venue Ng Concert Sa Canada!

Martes, Abril 18, 2023

/ by Lovely


 Marami ang nagulat sa ginawa ng dalawang audience sa concert ni Vice Ganda sa Canada.


Nauna nang naiulat ang pagkakaroon ng concert ng Unkabogable Star sa  Edmonton Expo Center sa Canada.


Makikita sa video na nagkakagulo ang mga fans sa pagdaan ni Vice Ganda kaya tila hindi na napigilan ng magcouple na mahila ang mataas na wig nito upang mapansin.


Hindi naman ito nagustuhan ni Vice Ganda at hayagang pinagsabihan ang mga ito sa mahinahong paraan.


“Don’t do that, don’t do that. That’s very disrespectful. You don’t do that. You have to say sorry to me. Don’t do that, that’s very rude. Yah, I’m trying to give you a wonderful time but you took hurt me. That’s not right. We want to be friends here. Don’t hurt me, di ba.”


Samantala, naiintindihan ng ibang manonood si Vice dahil hindi naman umano niya kilala ang mga ito para sabunutan siya kahit pa ang purpose ay upang lingunin niya ang mga ito.


Hirit pa ng isang netizen na baka nasaktan talaga si Vice Ganda sa paghila ng kanyang wig dahil pinapadikit ang wig sa anit upang hindi kaagad na matanggal.



@zachzoey01 @Vice Ganda #vgful concert two fans were called out for being disrespectful #viceganda #vicegandatiktok #edmonton ♬ original sound - ZachZoey

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo